Sapul sa camera! SUV na sinagasaan ang enforcer para tumakas, nakabundol pa ng tricycle

Sapul sa camera! SUV na sinagasaan ang enforcer para tumakas, nakabundol pa ng tricycle

- Isang matinding aksident ang nangyari sa San Jose del Monte, Bulacan kamakailan lang

- Isang lasing na SUV driver ang sumagasa sa traffic enforcer nang magtangka siyang takasan ito

- Matapos niyang takasan ang enforcer, nakabangga naman ng tricycle driver ang SUV driver at kitang-kita ito sa dash cam ng isa pang motorista

- Sa lakas ng pagkakabangga, nahati ang tricycle at binawian ng buhay ang misis ng tricycle driver

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang driver ng SUV ang nahuli matapos umano nitong magkaaron ng patong-patong na paglabag sa batas nitong Lunes.

Nalaman ng KAMI na bukod sa pagsagasa sa traffic enforcer, nakabangga pa ng tricycle ang SUV driver.

Sapul sa camera! SUV na sinagasaan ang enforcer para tumakas, nakabundol pa ng tricycle
San Jose del Monte, Bulacan (Photo from Flickr)
Source: UGC

Ayon sa ulat ng 24 Oras, nakita sa dash cam ng isang motorista ang pagbangga ng SUV sa tricycle sa Quirino Highway sa San Jose del Monte, Bulacan.

Read also

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

Dahil sa lakas ng pagbangga ng SUV, nahati ang tricycle at pumanaw naman ang misis ng tricycle driver na nakasakay dito.

Base sa ulat ng Quick Response Team, kinuwento ng hepe ng SJDM City Traffic Management na may naunang violation ang SUV driver.

Naunang nag-U-turn umano ang SUV driver sa lugar kung saan bawal mag U-turn. Noong lalapitan na ito ng traffic enforcer, tumakbo na ang SUV driver. Pagdating sa isang intersection, may dumating na enforcer upang patigilin siya pero sinagasaan pa umano ito ng SUV driver.

Matapos sagasaan ang enforcer, dali-daling tumakas ang SUV driver at dito na nga niya nabangga ang tricycle na nakita sa dash cam.

Lasing daw ang SUV driver at may problema sa pamilya. Taga-Montalban ito pero nagawi sa Bulacan nang mangyari ang insidente.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Magkapatid na nag-aayos ng internet para sa online class, nakuryente at namatay

Ngayong may pandemya sa bansa, tila hind pa rin talaga maiiwasan ang mga aksidente sa kalsada.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang lalaki ang hinangaan ng netziens matapos niyang tulungan ang rider na nakabangga sa kotse niya.

Bukod pa rito, isa ring motorista ang kinabiliban ng mga netizens dahil matapos mabangga ng kotse niya ay kinamayan niya pa ang nakabangga rito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)