‘Di na nahiya! Anak na lalaki, ginahasa umano ang sariling ina na senior

‘Di na nahiya! Anak na lalaki, ginahasa umano ang sariling ina na senior

- Nagsumbong sa pulisya ang isang senior citizen na ina matapos umano siyang gahasain ng anak niya

- Kwento ng ina, natutulog siya at biglang pumasok ang anak niya sa kwarto niya noong madaling araw

- Pumunta naman ang biktima sa isa pa niyang anak para humingi ng tulong sa pagsusumbong sa barangay

- Agad naman inaresto ang suspek at kasalukuyang nakakulong na ito matapos ang karumal-dumal na krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inireklamo ng isang senior citizen ang anak niya matapos umano siyang gahasain nito sa Taguig City kamakailan lang.

Nalaman ng KAMI na agad sinumbong ng 64 anyos na ina ang anak niya na 39 anyos sa pulisya at pinaaresto ito.

‘Di na nahiya! Anak na lalaki, ginahasa umano ang sariling ina na senior

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa report ng Southern Police District, arestado na si alyas “Martin” ng mga barangay tanod noong Linggo.

Bulag, sinaktan at pilit nakawan ng napalimos ng taong kakilala niya

Sa iisang compound lang daw nakatira ang suspek at ang ina nito. Sabi ng biktima, habang natutulog siya noong madaling araw ay biglang pumasok ang anak niya sa kwarto niya at doon na nangyari ang karumal-dumal na krimen.

Sa ulat naman ng ABS-CBN News (isinulat ni Anjo Bagaoisan), pumunta ang ina sa isa niya pang anak na babae sa Pateros upang humingi ng tulong.

Kaya naman, sinamahan ng anak ang nanay niya na pumunta sa barangay para magsumbong.

Base sa ulat ng Bulgar Online (isinulat ni Thea The), sinabi ng hepe ng Taguig Police Station na si Police Col. Celso Rodriguez na nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga ang suspek,

Sa ngayon ay inaresto na ang suspek at nakakulong na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang ina ang nagreklamo sa Raffy Tulfo in Action matapos umanong magkaroon ng relasyon ang anak niya at ang kapatid niya.

Mister na nagpakasal sa 1 niyang kabit, biglang good boy kay idol

May ebidensya pa ang ina na talagang may namamagitan sa mag-tiyuhin kaya naman gusto niya ipakulong ang kapatid niya.

Samantala, naibalita rin ng KAMI na isang misis naman ang nagreklamo rink ay Tulfo dahil nangaliwa ang asawa niya kasama ang mismong hipag nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel