Gretchen Barretto, mas gusto ang picture ni Bea Alonzo kaysa sa sariling pamangkin

Gretchen Barretto, mas gusto ang picture ni Bea Alonzo kaysa sa sariling pamangkin

- Mas nagustuhan ni Gretchen Barretto ang litrato ng aktres na si Bea Alonzo kumpara sa kanyang pamangking si Julia Barretto

- Wala siyang deretsahang komento laban sa kanyang pamangkin ngunit sumang-ayon siya sa caption ng isang gossip site tungkol sa kagandahan ni Bea

- Hati naman ang reaksiyon ng netizens sa komentong ito ng kontrbersiyal na aktres

- Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang namuong sigalot sa pagitan na magkakapatid na Barretto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling lumikha ng ingay ang naging komento ni Gretchen Barretto sa isang post sa social media ng isang gossip site kung saan pinagkukumpara sina Julia Barretto at Bea Alonzo.

Sa caption ng nasabing social media post, puring-puri ang kagandahan ni Bea na sinang-ayunan naman ni Gretchen. Walang deretsang komento si Gretchen sa kanyang pamangkin na si Julia ngunit naging ugat ito ng mainit na sagutan ng ilang mga netizens.

Raffy Tulfo, ipasusuri sa eksperto ang di umano'y imahe ng babaeng nahagip sa video

Gretchen Barretto, mas gusto ang picture ni Bea Alonzo kaysa sa sariling pamangkin

Gretchen Barretto's comment (Images courtesy of Instagram: Fashion Pulis)
Source: Instagram

Matatandaang nagkaroon ng hidwaan sina Bea at Julia matapos lumabas ang isyu tungkol sa umano'y namumuong relasyon nina Gerald at Julia noong panahong magkarelasyon pa lamang sina Bea at Gerald.

Inulan ng pambabatikos si Julia atapos pumutok ang isyu kaya sinagot nito ang mga akusasyon laban sa kanya sa pamamagitan ng isang Instagram post kung san bumwelta siya kay Bea.

Aniya, hindi man nagbanggit ng pangalan si Bea, ito ang naging dahilan para mabaling sa kanya ang galit ng mga tao sa paghihiwalay nila ni Gerald.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasunod nito, nagpahayag ng pagsuporta si Gretchen kay Bea. Kinontra nito ang mga naging pahayag ni Julia.

Gretchen Barretto, mas gusto ang picture ni Bea Alonzo kaysa sa sariling pamangkin

Gretchen Barretto (Photo from Flickr)
Source: UGC

Hindi lingid sa publiko ang hidwaang ng magkakapatid na Barretto na naging dahilan ng pagkakahati-hati nila.

Maging sa burol ng kanilang yumaong ama ay nagkaroon ng komosyon matapos pumunta ni Claudine at Gretchen.

Janella Salvador, nagbahagi ng litrato sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa kanya

Si Julia Barretto ay anak ng komedyanteng si Dennis Padilla at aktres na si Marjorie Barretto. Nagsimula siya sa showbiz bilang si Anna Calugdan sa fantaseryeng "Kokey" sa ABS-CBN. Dahil sa galing niya sa pag-arte ay naging bahagi siya ng maraming mga serye at pelikula. Ilan sa mga ito ay Gulong ng Palad, Walang Kapalit, Palos, And I Love You So, A Love To Last, Para Sa Hopeless Romantic, at Vince and Kath and James.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Naging usap-usapan kamakailan ang pagpapalitan nila ng mensahe ng dating kasintahang si Joshua Garcia matapos nilang i-unfollow ang isa't-isa noong kasagsagan ng isyu ng kanilang paghihiwalay.

Hindi niya napigilan ang kanyang reaksiyon matapos siyang tanungin tungkol sa kanyang love life habang nasa isang panayam.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel