May ebidensya pa! Isang nanay, pina-Tulfo ang kapatid na nakipagrelasyon umano sa anak niya

May ebidensya pa! Isang nanay, pina-Tulfo ang kapatid na nakipagrelasyon umano sa anak niya

- Humingi ng tulong ang isang ina sa Raffy Tulfo in Action dahil sa relasyon umano ng anak at kapatid niya

- Paliwanag ng ina, nakita raw nilang magkayakap pa sa kama ang mag-tiyuhin at may pagkakataong sa iisang plato pa ito kumakain

- Samantala, ibinunyag naman ng anak na nakaranas din siya ng pang-aabuso sa dati at kasalukuyang asawa ng nanay niya

- Ngayon ay desidido naman ang nanay na ipakulong ang kapatid niya at ibalik sa shelter ang anak niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang ina ang nagreklamo at humingi ng tulong sa Raffy Tulfo in Action matapos umanong magkaroon ng relasyon ang kapatid niya at mismong anak niya.

Nalaman ng KAMI na may mga nakuha umanong ebidensya ang ina para mapatunayan na may namumuong kakaibang relasyon nga sa mag-tito.

May ebidensya pa! Isang nanay, pina-Tulfo ang kapatid na nakipagrelasyon umano sa anak niya

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Ayon sa YouTube video ng Raffy Tulfo in Action, pansamantalang tumira ang kapatid ni Nanay Loregen na si Leonard, 19 anyos, sa kanila. Dito na nga niya napansing may kakaibang kinikilos si Leonard at ang menor de edad niyang anak.

Paliwanag ni Nanay Loregen, may pagkakataong sa iisang plato lang kumakain ang mag-tiyuhin at isang gabi ay nakita nilang magkayakap ang dalawa sa kama.

Madiing itinanggi naman ito ng anak at kapatid ni Nanay Loregeen. Depensa pa ng anak, naging biktima rin umano siya ng pang-aabuso sa dati at kasalukuyang asawa ng nanay niya.

Subalit, may pinakitang mga love letters ang nanay na ginawa ng kapatid niya para sa anak niya. Dito na nga napatunayang may namamagitan sa mag-tiyuhin.

Desidido naman si Nanay Loregen na kasuhan at ipakulong ang kapatid niya. Samantala, ibabalik naman sa shelter sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang misis naman ang humingi ng tulong kay Raffy Tulfo matapos umanong mangaliwa ng asawa niya sa mismong sister-in-law o hipag nito.

Paliwanag ni mister, matagal naman na umanong hiwalay ang hipag at kapatid niya. Matapos ang kanyang pag-amin, nangako naman itong magbabago at iiwanan ang kalaguyo niya.

Samantala, uminit naman ang ulo ni Tulfo sa mga nalaman niyang kalokohan ng PWD na sinaktan ng isang tricycle driver.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel