Bastos na anak sa viral video, nagawa pang bantaan ang mga magulang

Bastos na anak sa viral video, nagawa pang bantaan ang mga magulang

- Kitang-kita sa isang video ang kawalang galang ng 40-anyos na anak sa kanyang mga magulang

- Nagagawa niya itong murahin at pagbantaan gayung sila ng kanyang pamilya ang nasa pudar pa rin ng mga magulang

- Nagdesisyon na ang mga magulang na palayasin na lamang ang anak at pamilya nito na nakuha pang magmatigas sa kabila ng pambabastos na nangyayari

- Bilang magulang, may kurot pa rin sa damdamin nila ang palayasin ang anak kaya binigyan pa nila ito ng limang araw na palugit ngunit hindi pa rin ito nagpakumbaba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bastos na anak sa viral video, nagawa pang bantaan ang mga magulang

Raffy Tulfo (Photo from Raffy Tulfo Instagram)
Source: Instagram

Minsan nang umagaw ng atensyon sa social media ang pambabastos umano ng 40-anyos na anak na si Melrose Franco Maloto sa kanya mismong mga magulang na sina Rey at Elma Franco.

Nalaman ng KAMI na kitang-kita kung paano murahin at bantaan ni Melrose ang walang kalaban-laban niyang mga magulang.

Dahil sa patindi ng patindi ng mga pangyayari, minabuti na ng mag-asawa na idulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang ginagawa sa kanila ng sariling anak.

Humantong na rin kasi sa punto na pati kanilang buhay ay nanganib na dahil sa pagbabanta ng kanilang manugang.

Nang tanungin ni Tulfo ang pinag-ugatan nito, lumalabas na parehong walang trabaho si Melrose at kanyang asawa.

Sa kabila ng kanilang sitwasyon, madalas pa rin umanong mag-inom ang asawa ni Melrose na dahilan para sila ay magtalo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ngunit sa kanilang pag-aaway, nadadamay pa rin ang mga magulang ni Melrose.

Sa Tindi ng ginagawa ng anak sa kanyang mga magulang, ang mag-asawa pa ang umalis sa kanila mismong pamamahay ngunit hindi pa rin sila tantanan nito.

Ang katwiran ng anak, noong nakakasampa pa sa barko ang kanyang mister ay nakatatanggap naman umano ng tulong ang kanyang mga magulang.

Sila rin daw umano ang nagpaayos ng bahay ng mga magulang noong may kita pa ang seaman na mister.

Pinabulaanan naman ito ng kanyang ama at sinabing sila pa nga ang tumulong sa asawa ni Melrose para makapagtrabaho ito sa barko.

Sa huli, nagdesisyon pa rin ang mga magulang na paalisin na lamang ang mga anak.

Dapat sana at agaran ang pagpapaalis ngunit umiral pa rin ang pusong magulang ng mga ito at binigyan pa rin nila ang limang araw na palugit ang mga-asawa.

Sa kasamaang palad, nagmatigas pa rin ang mga ito at hindi pa ring nagpakababa sa kabila ng mga pangyayari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Kamakailan, napahalakhak sa pagtawa si Raffy Tulfo nang malaman niyang ang inirereklamo ng isang misis na mister niyang nais nitong palayasin ay nasa kanyang tabi lamang.

Isa lamang kasi ito sa iilang mga pagkakataong makikitang tila naging comedy ang naging episode ng programa ni Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel