OFW na mister, nabuntis si kabit matapos ipagpalit si misis; magulang ni kuya pinatira pa si kabit

OFW na mister, nabuntis si kabit matapos ipagpalit si misis; magulang ni kuya pinatira pa si kabit

- Matindi ang hinagpis ng isang misis na niloko ng kanyang mister na OFW sa Madrid, Spain

- Ayon kay legit, nabuntis daw ng kanyang mister ang kabit nito at tila boto pa ang mga magulang nito

- Dagdag pa ni misis, pinagbantaan daw siya ni kabit na maglalabas ng maselan niyang video sa social media

- Sinisiraan din daw siya ng pamilya ni mister at pinapalabas na siya ang nagloko kaya sila nagkahiwalay mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang misis ang dumulog sa tanggapan ng "Raffy Tulfo in Action" upang ireklamo ang kanyang mister na isang OFW sa Madrid, Spain at ang kabit nito.

Nalaman ng KAMI na merong 4 na taong gulang na anak sina Alyzza Joyce Sotto at Renzy Sotto.

Ayon kay Alyzza, nagta-trabaho sa isang restaurant sa Spain si Renzy. Pero laking gulat ni Idol Raffy nang malaman niyang P5,000 lang ang ipinadala ni Renzy noong nakaraan buwan.

Paliwanag ni Alyzza, na-operahan daw si mister kaya wala itong kinikita ngayon. Ang hindi matanggap ni misis ay ang ginawang pagtataksil sa kanya at nabuntis pa nito ang kanyang kabit.

Raffy Tulfo

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang masakit pa dito, pinapatira raw ng magulang ng kanyang mister ang kabit nito at tila kinagigiliwan pa ito dahil naaalagaan daw ang kanilang anak.

Depensa ni misis, paano naman niya aalagaan si mister kung magkalayo silang dalawa.

Hindi na nakaya ni Alyzza nang pagbantaan daw siya ng kabit ni mister na ilalabas daw ang kanyang video scandal. Pero buwelta ni mister, ang post daw ni kabit sa social media ay walang pangalan na kasama.

Kuwinento rin ni Alyzza kung paano nagsinungaling ang kanyang mister, "Ang sabi niya wala silang relayson pero kinabukasan flight na pala nila pabalik ng Madrid at buntis na yung kabit niya nun."

Sa bandang huli ng video, hindi na napigilan ni misis maiyak at maglabas ng kanyang sama ng loob kay Renzy, "Dapat hindi mo binuntis yung kabit mo, dapat hindi ka nambabae. Wala naman akong ginawang masama sayo."

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang balita, isang babae ang nabuntis ng kanyang dating kasintahan nitong nakaraang lockdown. Humingi siya ng tulong kay Idol Raffy dahil bukod sa walang sustento ay kung ano-ano pa ang pinagkakalat nito sa social media. Hindi rin pinanagutan ng lalaki ang kanyang dating girlfriend kaya mag-isa na lamang niyang itataguyod ang kanilang baby. Ang hindi niya matanggap ay tawaging "malandi" at pagbintangan ng masasama at ipagkaila na baby niya ang kanyang dinadala.

POPULAR: Read more news about Raffy Tulfo

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel