Ang galing! Tatlong magkakaibigan, walang iwanan at sabay-sabay tinupad ang pangarap maging doktor

Ang galing! Tatlong magkakaibigan, walang iwanan at sabay-sabay tinupad ang pangarap maging doktor

- Naging viral sa social media ang tatlong magkakaibigan na pinatunayang wala silang iwanan

- Sampung taon nang magkakaibigan ang mga ito at natupad nila nang magkakasama ang pangarap nila

- Matapos nilang magkakilala noong highschool, ganap na mga doktor naman na sila ngayon

- Ibinahagi rin ng isa sa kanila ang mga pinagdaanan nila bago makamit ang kanilang pangarap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Trending ngayon sa social media ang tatlong babaeng magkakaibigan dahil sa kanilang friendship goals.

Nalaman ng KAMI na matagal nang magkakaibigan ang mga ito at ngayon ay natupad na nila ang kanilang pangarap.

Ang galing! Tatlong magkakaibigan, walang iwanan at sabay-sabay tinupad ang pangarap maging doktor

Larawan mula sa Facebook ni Ching Macarubbo
Source: Facebook

Ayon sa Facebook post ng GMA Public Affairs, noong high school pa lang ay magkakaibigan na sila Joieanne Marie Macarubbo, Marie Clare Perez at Jovine Martin. Hanggang sa pumasok sila sa medical school ay matibay pa rin ang friendship nila.

Kaya naman, ngayon ay nakamit na nila ang kanilang pangarap na maging doktor. Sa loob ng siyam na taon nilang magkakaibigan ay talaga namang hindi nila iniwan ang isa’t-isa.

"We have gone through so much during the years, on the brink of failure, crying ourselves out almost every night, tired & restless especially during our clerkship, but never took quitting as an option. Now, 9 years from that day, here we are, living our vision," sabi ni Joieanne.

“Truly, the future belongs to those who believe in the beauty of their dreams. Wouldn’t have survived medschool without you two,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tila tunay na kayamanan nga ang pagkakaibigan lalo na sa panahon ngayon. Malaking bagay ang magkaroon ng totoong kaibigan na maaasahan sa hirap at ginhawa.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, may dalawang lalaking 10 taon nang magkaibigan. Dahil sa kanilang friendship, sabay din silang pumasok ng seminaryo.

Samantala, naiulat din ng KAMI noon na aang 30 taong mag-bestfriend ay nagpalagay ng matching tattoos upang igunita ang kanilang pagkakaibigan.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel