Magkumareng 'tsismosa', kulong dahil sa di umano'y paninira sa kapitbahay

Magkumareng 'tsismosa', kulong dahil sa di umano'y paninira sa kapitbahay

- Arestado ang dalawang may bahay sa Cagayan dahil sa di umano'y pagkakakalat ng kwentong walang katotohanan

- Inireklamo sila ng kanilang kapitbhay na lalaki dahil sa pagkakalat daw ng mga ito na siya'y nambababae

- Wala raw itong katotohanan kaya naman isinumbong nito sa pulisya ang dalawa

- Pansamantalang nakakulong ang magkapitbhay habang dinidinig ang kanilang kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inaresto ng pulisya ng Cagayan ang dalawang may bahay na di umano'y nagpapakalat ng "tsismis" tungkol sa kanilang kapitbahay.

Ayon sa Philippine Star, nadakip ang dalawa sa kanilang lugar sa Barangay Maura, Aparri, Cagaya dahil sa reklamo ng kapitbahay nilang lalaki na sinisiraan ng sinasabing mga "tsismosa."

Nalaman ng KAMI na pinagkakalat ng dalawang may bahay na di umano'y babaero ang lalaki.

Itinanggi naman ito ng lalaki at nireklamo sa pulisya upang matigil na ang pagkakalat ng dalawang ito ng kwentong wala naman daw katotohanan.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawa habang dinidinig ang kanilang kaso.

Samantala, naalarma ang ilang netizens sa aksyong ginawa sa dalawang inakusahang tsismosa na ito.

Maari kasing "libangan" ito para sa ilan, ngunit di nila alam na maari silang makulong sa oras na di ito pinalampas ng taong ginagawan nila ng kwento.

Mag-kapitbahay na 'tsismosa', kulong dahil sa di umano'y pagkakalat ng "fake news"

source: Philippine Star FB
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Mga tsismusa dyan matakot n kayo. Ingatan ang mga pinagkakalat nyo"
"Malas naman ng magkumare na ito, di nila kasi alam na pwede sila makulong dahil sa kaka-chismis nila... very bad"
"Kung online yan, cyber libel kaso dyan, may pampiyansa kaya tong mga chismosa na ito?"
"Pakiaalaman kasi ang sariling buhay huwag ang buhay ng iba"
"Kung wala namang sapat na ebidensya, manahimik na lang, mamaya di naman talaga totoo nasira pa ang buhay ng pinagchismisan nila"

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel