Driver ng e-jeep, ayaw na raw makita pang muli si "Linda" na sumira sa buhay nila

Driver ng e-jeep, ayaw na raw makita pang muli si "Linda" na sumira sa buhay nila

- Muling nakapanayam ng programa ni Raffy Tulfo si Jowel Espiritu, ang driver ng e-jeep kung saan naganap ang komprontasyon nina alyas "Linda" at Tatay Alexander Gutal

- Ikinuwento ni Jowel ang kanilang simpleng buhay at kung paano niya naitataguyod ang kanyang pamilya

- Binahagi rin niya ang naging epekto ng kontrobersiya na ginawa ni alyas "Linda" sa kanilang pamilya

- Aminado siyang masama ang loob kay "Linda" na siyang nagsimula ng gulo sa bawat pamilya na kanyang naagrabyado dahil lamang sa maling akala

- Samantala, hindi naman na itinuloy pa ni Tatay Alex ang kaso laban kay Jowel lalo pa at naiintindihan din naman daw niya mismo ang buhay nito bilang isang driver din

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang buwan matapos ang kontrobersyla na kaganapan sa e-jeep na kinasasangkutan nina Alexander Gutal at alyas "Linda", kinumusta ng programa ni Raffy Tulfo ang driver nito na si Jowel Espiritu.

Nalaman ng KAMI na nakabalik naman na sa trabaho si Jowel dahil pansamantala siyang di pinapasok upang ayusin muna ang gulo sa e-jeep.

Matindi talaga ang naging epekto nito sa kanya lalo na at nakaranas din siyang ma-bash dahil lamang sa pag-aakalang nahipuan nga si alyas "Linda."

Matatandaang nang ilabas ang CCTV footage ng insidente, nakinig si Jowel na inudyok pa nito si Linda na banatan ang inakalang nanghipo na si Tatay Alex.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tila sumunod kasi kay Jowel si Linda at sinugod ang walang labang matanda.

Humingi na ng tawad si Jowel kay Tatay Alex na iniurong naman na ang kaso laban sa kanya.

Sa unang naibalita ng KAMI, nabanggit nitong naunawaan daw ni Tatay Alex ang kalagayan ni Jowel bilang isa rin kasi siyang driver. Dahil dito, di na niya ito kinasuhan pa.

Mas mabuti na rin daw na di na muli niyang makita pa si alyas Linda dahil sa sama ng kanyang loob, di raw niya alam ang maari niyang gawin.

Samantala, humanga naman ang netizens sa kinakasama ni Jowel na si Lory Anne Punzalan.

Pinakita kasi ni Lory Anne na kahit sa panahong sinusubok ng tadhana si Jowel ay di niya ito iniwan.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel