Unang nabiktima ng pagwawala ng doktor sa kalsada, dumulog na rin kay Tulfo

Unang nabiktima ng pagwawala ng doktor sa kalsada, dumulog na rin kay Tulfo

- Lumabas na rin ang unang nabiktima ng nagwalang doktor sa away trapiko

- Halos pareho ang ginawa ng doktor sa pamilya Paredes at sa lalaking nakilalang si Crispulo Eusebio

- Kasama rin ni Eusebio ang kanyang pamilya nang mangyari ang insidente at nabiktima rin siya ng pag-aangas ng doktor

- Dahil dito, mas bumigat ang ebidensya sa doktor dahil di lamang isa kundi dalawang beses na pala niya itong nagawa

- Tila nagtatago na rin daw ang doktor dahil di nila ito makapanayam maging sa lugar kung saan ito nagta-trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos mag-viral ang video ni Merly Paredes, ang misis ni Santiago Paredes na di umano'y pinagmumura at nilait ng doktor na nakilalang si Tomas Joaquin Mendez, Lumitaw din ang video ni Crispulo Eusebio kung saan nabiktima rin pala siya ng doktor.

Dahil sa nag-viral din ang video ni Eusebio, tinawagan siya ng programa ni Raffy Tulfo at nagpaunlak na rin siyang pumunta sa programa.

Idinulog na rin niya ang ginawa ng doktor sa kanya at sa kanyang pamilya na di nalalayo sa nangyari sa pamilya Paredes.

Isinalaysay ni Eusebio ang pangyayari. Ang masaklap pa rito, kasama nito ang kayang tatlong buwang sanggol na karga ng kanyang misis.

Nakaupo ang kanyang mag-ina sa kanyang tabi at nasa likod naman ang dalawang taong gulang niyang anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Muntik nang tamaan ng hinagis na barya ni Mendez ang kanyang mag-ina dahil sa nagbukas na raw siya noon ng bintana.

At nang ito'y kanyang nillabas upang komprontahin kung bakit nagawa ito ng doktor, doon na raw ito bumato ng masasakit naman na salita.

Halos ganito rin ang ginawa ni Mendez sa nakaalitan kamakailan na si Santiago kaya naman parehong kaso ang isasampa ng mga biktima laban sa doktor.

Sa kasamaang palad, tila nagtatago na raw ang doktor dahil sa mailap ito at di makapanayam ng programa ni Tulfo. Sa unang ulat ng KAMI nabanggit na maging ang ospital kung saan ito nagtatrabaho at binawalan na ring magbigay ng impormasyon tungkol kay Mendez.

Mahaharap sa kasong Slander by deed ang akusado at pinag-aaralan pa kung maari pa itong dagdagan ng unjust vexation at child abuse dahil sa may bata raw na kasama ang mga driver na pinagmumura ng doktor na ito.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel