Ina ng nasawing delivery rider, nalamang pumanaw ang anak nang mag-viral ang video nito
- Sa viral video lamang nalaman ng ina na pumanaw na ang kanyang anak na isang delivery rider
- Aniya, nakabukod na ito ng tirahan kaya naman hindi niya ito madalas na makasama
- Aminadong halos hindi siya makapaniwalang wala na ang kanyang anak na ang buong pag-aakala niya ay naghahanap-buhay lamang
- Dasal niyang maunawaan siya ng kanyang anak sakaling hindi niya mailaban ang hustisya dala umano ng kahirapan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nasa trabaho bilang house cleaner si Angelita Batiao nitong Lunes ng umaga nang ipakita ng kanyang katrabaho ang isang viral na video sa social media.

Source: Facebook
Isang lalaki, duguan at walang malay, ang nakahandusay sa kalsada. Hindi nagtagal, tumawag ang kanyang kapatid at doon, kanyang nakumpirmang ang nasa viral video na kanyang napanood ay ang kanyang anak na si Christian Dave Sapio.
“Actually nabigla kami kasi hindi naman siya palaaway, walang bisyo pero bakit ganoon?” ani Angelita sa panayam sa kanya ni Dennis Datu ng ABS-CBN News.
Agad siyang nagtungo sa Mesina Funeral Homes kung saan naroon na ang labi ng kanyang anak, gayung hindi siya makapaniwala sa sinapit nito at para tiyakin ang kanyang pagkakakilanlan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kwento ni Angelita, bihira na silang magkita ng kanyang 29-anyos na anak simula nang ito'y mamuhay nang mag-isa at magtrabaho bilang food delivery rider.
Hindi matutumbasan ng salita ang sakit ng makita niyang wala nang buhay ang anak.
“Kapag gusto naming siya kausapin, ipatawag na,"bisita ka naman sa amin saglit,' napunta rin naman," kwento pa ni Angelita
Ayon sa Bacoor City Police, natagpuan ang katawan ng biktima at ang kanyang motorsiklo bandang alas-4 ng madaling araw sa Bitas Road, Barangay Molino 2, Bacoor City, Cavite.
Mayroon siyang ilang saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan.
Sa pahayag ni Police Lt. Col. John Paolo Carracedo, hepe ng pulisya sa lungsod, sinabing mayroon na silang mga suspek. Isa umanong babae at dalawang lalaki.
Base sa imbestigasyon, may nakilala si Christian Dave na babae online, at sinasabing nagkasundong magkita sa Bacoor bago nangyari ang insidente.
“Mayroon siya katagpo na babae sa Bacoor, may conversation sila at magmi-meet up sila, pero itong babae na katagpo niya noong nandoon na ang tao sa area ng Bacoor is hindi na siya nakipagmeet, so ang tinitingnan natin anggulo doon ay parang na-set-up yung lalaki noong ka-meet niya,” paliwanag ng hepe ng pulisya.
Habang naghihinagpis pa si Angelita ang pagkawala ng kanyang anak, isa pang bumabagabag sa kanya ay ang kahirapan na siyang dahilan ng kanyang pangambang hindi niya makakamtan ang hustisya.
"Sa katulad namin mahirap, mahirap humanap ng hustisya, mabaliwala din yan kaso, sabi nga ng kapatid ko, ipasa-Diyos na lang kasi kung hanapin pa talaga naming ang hustisya"
"Kapag wala ka koneksyon, wala ka pera, basura ang kaso mo, ganun ang paningin namin sa hustisya sa atin, hindi ko alam, hindi ko alam," pahayag ni Angelita habang lumuluha.
Halagang Php60,000 ang sinisingil sa kanya ng punerarya para sa autopsy at paghahanda ng labi ng kanyang anak na aniya'y wala siya ng halagang iyon.
Dahil dito, napilitan siyang ipa-cremate na lang ang bangkay ng kanyang anak sa ilalim ng programa ng lokal na pamahalaan lalo na at wala rin umano siyang mapagkukunan ng pagpapalamay sa burol ng anak.
“Hindi pa ako maniwala na wala na siya pero ngayon nilalakad ko na mga papeles para i-cremate, unti-unti ko na napansin ang bigat pala,” dagdag pa ni Angelita.
Nanawagan si Angelita ng tulong para sa gastusin sa burol, at nananalangin na sana'y maintindihan ng kanyang anak sakaling hindi niya tuluyang maipaglaban ang hustisya para rito.
Samantala, gumimbal din sa publiko ang pagpanaw ng isang 15-anyos na binatilyo ang nasawi matapos masagasaan ng dump truck na minamaneho ng sariling ama sa loob ng demolisyon site ng lumang gusali ng Pasig City Hall noong Huwebes, Mayo 22. Idineklara ang pagkamatay ng biktima sa mismong pinangyarihan ng insidente bandang alas-dos diyes ng hapon ni Dr. Bernard John San Marcos ng Pasig Emergency Unit.
Batay sa paunang ulat ng pulisya, naganap ang aksidente bandang alas-1:45 ng hapon habang minamaneho ng ama ang isang itim na dump truck at nakaramdam siya ng parang lubak sa likurang bahagi ng sasakyan.Sa kanyang pag-inspeksyon, nadiskubre niyang ang sarili niyang anak ang nasa ilalim ng truck, duguan at wala nang buhay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh