Cardinal Tagle, binigyan ng candy si Pope Leo XIV: "unang act of charity ko sa bagong Santo Papa"

Cardinal Tagle, binigyan ng candy si Pope Leo XIV: "unang act of charity ko sa bagong Santo Papa"

- Naikwento ni Cardinal Antonio Luis Tagle ang umano'y unang act of charity niya sa bagong Santo

- Nang mapansin niya umano itong tila humihing nang malalim, inalok niya ito ng candy na kanyang baon sa sistine chapel

- Si Pope Leo XIV ang hinirang na bangong Santo Papa na siyang pumalit sa namayapang si Pope Francis

- Matatandaang naging matunog ang pangalan ni Cardinal Tagle na siyang inaasahang maging bagong Santo Papa

Masayang naibahagi ni Cardinal Antonio Luis Tagle ang maituturing umanong unang "Act of charity" niya kay Pope Leo XIV.

Cardinal Tagle
Cardinal Tagle, binigyan ng candy si Pope Leo XIV: "unang act of charity ko sa bagong santo papa" (Francis Galvan: 102.7 Star FM Manila)
Source: Facebook

Sa isang press conference na naibahagi rin ng Phil Star Global, isinalaysay ni Cardinal Tagle paano niya nabigyan ng candy ang bagong hirang na Santo Papa.

"Lagi ako may baong candy. Eh katabi ko nga si Cardinal Prevost. Noong humihinga na siya ng malalim, sabi ko, 'gusto mo ng candy?' Sabi niya, 'sige bigyan mo ko ng isa.' Sabi ko, 'yan ha. 'Yan ang unang act of charity ko sa bagong Santo Papa," nakangiting naibahagi ni Cardinal Tagle.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kwento pa ng kardinal, noon pa mang 2013 conclave, nagbabaon na umano siya ng candy. Sa tagal umano ng proseso ng ginagawa sa pagpili sa magiging bagong Santo Papa, aniya't pantanggal inip iya ito.

Inakala niya noong sinita siya ng isang Colombian Cardinal sa pagbubukas at pagkain ng kendi subalit, humingi rin daw ito sa kanya.

"In Italian he asked me what I brought to the Sistine Chapel. I said caramel candy, and he said 'this little boy bringing candies in the Sistine chapel.' And I said, 'sessions are very long here, so I would always get hungry.' Then he asked, 'do you have more? Please give me one,'" ani Cardinal Tagle.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa News5:

Pope Leo XIV ang bagong hirang na Santo Papa na dating kilala bilang Cardinal Robert Francis Prevost. Siya ang kauna-unahang Amerikanong naging Pope sa kasaysayan ng Simbahang Katolika. Ipinanganak siya noong Setyembre 14, 1955, sa Chicago, Illinois, at miyembro ng Order of Saint Augustine. Bilang isang misyonaryong obispo, nagsilbi siya sa Peru bago itinalaga bilang kardinal noong 2023 at naging Prefektong ng Dicastery for Bishops. Noong Mayo 8, 2025, siya ay nahirang bilang Santo Papa sa isang papal conclave na dinaluhan ng 133 kardinal. Pinili niyang gamitin ang pangalang Leo XIV, bilang paggalang kay Pope Leo XIII na kilala sa kanyang mga turo ukol sa social justice at moralidad.

Sa kanyang unang talumpati bilang Santo Papa, nagbigay siya ng mensahe ng kapayapaan at pagkakaisa, at nagbigay galang sa kanyang naunang tagapagtanggol, si Pope Francis, na pumanaw noong Abril 21, 2025. Matatandaang naging kritikal pa ang lagay ni Pope Francis, at nang bumuti ang kanyang lagay, nagawa pa niyang magbasbas sa publiko sa pagdiriwang ng Easter Sunday ngayong taon.

Ang unang malaking pampublikong kaganapan ni Pope Leo XIV ay ang pagdiriwang ng Banal na Misa kasama ang mga kardinal sa Mayo 9, 2025, sa Sistine Chapel. Inaasahan din ang kanyang unang Angelus sa Mayo 11 mula sa bintana ng Apostolic Palace ng Vatican.

Samantala, bago si Pope Francis naging usap-usapan din ang pinalitan nitong Santo Papa na si Pope Benedict XVI na namayapa noong 2022. Matatandaang nagbitiw ito sa kanyang tungkulin noong 2013 dahil 'di umano sa kanyang kalusugan. Sinasabing ang resignation niyang ito ay makasaysayan din dahil ito umano ang kauna-unahan sa ating henerasyon gayung ang naitalang unang pagbibitiw sa katungkulan bilang Santo Papa ay isinagawa ni Gregory XII, nasa 600 taon na umano ang nakararaan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica