Pope Benedict XVI, pumanaw na sa edad na 95 ayon sa Vatican spokesman

Pope Benedict XVI, pumanaw na sa edad na 95 ayon sa Vatican spokesman

- Sumakabilang buhay na si Pope Benedict XVI ngayong Sabado, Disyembre 31 ng umaga

- Kinumpirma ito ng Holy See Press Office sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag

- Matatandaang nanawagan kamakailan si Pope Francis na ipagdasal ang kalagayan ni dating Pope Benedict XVI na tila hindi maganda ang kondisyon

- Inaasahang sa Enero 2, ilalagak sa Saint Peter's Basilica ang labi ng dating Santo Papa para sa mga nais na makita siya sa huling pagkakataon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pumanaw na si Pope Benedict XVI ngayong Sabado, Disyembre 31 sa edad 95.

Nalaman ng KAMI na kinumpirma nito ng Vatican spokesman sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag.

Pope Benedict XVI, pumanaw na sa edad na 95 ayon sa Vatican spokesman
Pope Benedict XVI (Vatican News)
Source: AFP

"With sorrow I inform you that the Pope Emeritus, Benedict XVI, passed away today at 9:34 AM in the Mater Ecclesiae Monastery in the Vatican. Further information will be provided as soon as possible," ang bahagi ng anunsyo ng The Holy See Press Office.

Read also

Ogie Diaz, todo puri ang MMFF movie na 'Family Matters'

Matatandaang noong Disyembre 28, nanawagan pa si Pope Francis sa publiko na ipagdasal ang kalagayan ni Pope Benedict XVI gayung hindi maganda umano ang kamaganda ang kondisyon ng kalusugan nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inaasahang maililipat ang kanyang mga labi sa Saint Peter's Basilica sa Lunes, Enero 2 para sa mga nais na magbigay pugay at mamaalam sa Santo Papa bago ito mailagak sa kanyang huling hantungan.

"As of Monday morning, 2 January 2023, the body of the Pope Emeritus will be in Saint Peter's Basilica so the faithful can bid farewell," ayon pa sa Vatican press.

Ayon paVatican News, ang kanya umanong edad ang nakitang dahilan ng kanyang panghihina hanggang sa tuluyan nang bumigay ang kanyang pangangatawan.

Si Pope Benedict XVI o Joseph Aloisius Ratzinger ay ang naging pinuno ng simbahang Katoliko mula April 19, 2005 hanggang sa kanyang resignation on February 28, 2013. Pinalitan niya ang namaalam na ring Santo Papa na si Pope John Paul II.

Read also

Jorhomy “Jho” Rovero, naihatid na sa kanyang huling hantungan

Noon pa man, ang kanyang kalusugan na ang dahilan ng pagbitiw sa katungkulan dala na rin ng kanyang edad. Sinasabing ang resignation niyang ito ang kauna-unahan sa ating henerasyon gayung ang naitalang unang pagbibitiw sa katungkulan bilang Santo Papa ay isinagawa ni Gregory XII, nasa 600 taon na umano ang nakararaan.

Mula sa kanyang resignation noong Pebrero 2013, pinalitan si Pope Benedict XVI ni Pope Francis na kasalukuyang Santo Papa ng Simbahang Katoliko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica