Pope Francis, 'nag-sorry' matapos di sinasadyang makatampal ng kamay ng babaeng deboto

Pope Francis, 'nag-sorry' matapos di sinasadyang makatampal ng kamay ng babaeng deboto

- Humingi ng paumanhin ang Santo Papa nang di niya sinasadyang matampal sa kamay ang isang babaeng deboto

- Aminado si Pope Francis na nawalan umano siya ng pasensiya matapos na hilahin ng deboto ang kanyang kamay

- Di naman nagtagal ay nabago na agad ang mood ng Santo Papa lalo na nang lumapit siya sa mga bata

- Mas lalo pa siyang hinangaan ng mga deboto dahil sa paghingi niya ng patawad at paumanhin gayundin ang pag-amin niya sa pagkakamaling kanyang nagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang mga larawan ni Pope Francis kung saan makikitang hinila siya umano ng isang babaeng deboto sa Saint Peter's Square.

Ayon sa Agence France-Presse, agad naman na humingi ng 'sorry' ang Santo Papa matapos ang insidente.

"We lose patience many times," pag-amin ni ng 83-anyos na Santo Papa.

"It happens to me too. I apologize for the bad example given yesterday," dagdag pa ng pinuno ng simbahang Katoliko sa misang isinagawa niya sa Vatican para sa Bagong Taon.

Naganap ang di sinasadyang pananampal nang mag-ikot ang Santo Papa upang batiin ang ilan sa mga debotong nasa Saint Peter's Square.

Matapos ang insidente, madali namang nabago ang mood nito lalo na nang lumapit na siya sa mga bata.

Samantala, mas lalo pa siyang hinangaan ng mga Katoliko dahil sa pagpapakumbabang pinakita niya at pag-amin na maging siya ay nagkakamali rin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Lalo kaming humanga sa pagpapakumbaba ng Santo Papa, pag amin sa kahinaan at pagpapakatao ang ipinakita nya."
"Ang Pope po ng Simbahang katoliko ay Pinuno ng Relihiyong Katoliko gaya ng Presidente ng isang bansa, hindi po siya Diyos tao din po siya may emotion, nagkakamali din ☺ ikaw ba naman ang hilahin ganun din po gagawin ninyo"
"Di maganda kasi yung gnwa nung humawak sa kanya. nasasaktan kasi sya. kita naman"
"Tao lang rin kasi si Pope, ano akala nyo sa kanya Diyos? Ikaw ba naman matanda na tapos hilahin braso mo, daming hipokrito."
"Tinapik lang naman yung kamay. Normal reaction ng tao yun pagnasaktan. Kung makapanghusga ang iba parang sinuntok, sinapak at pinompyang yung babae. Besides, nagsorry na si Pope. Nagkamali sya, tao lang din. Kung ako siguro yun tas nagkataon mainit ulo ko, nasapak ko na yung babae. Sorry not sorry"

Narito ang video ng naturang insidente:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel