Pope Leo XIV, emosyonal na humarap sa publiko sa unang pagkakataon

Pope Leo XIV, emosyonal na humarap sa publiko sa unang pagkakataon

- Emosyonal na humarap sa publiko ang bagong hirang na Santo Papa na si Pope Leo XIV

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

- Kapansin-pansing halos maluha ang Santo Papa nang makita ang dami ng tao na naghihintay sa kanyang paglabas

- Mensahe ng kapayapaan ang bungad niya sa unang mensahe at pagbabasbas niya sa publiko

- Si Pope Leo XIV ang hinirang na bagong mamumuno sa Simbahang Katoliko kapalit ng namayapang si Pope Francis

Bumuhos ang emosyon nang lumabas sa kauna-unahang pagkakataon ang bagong hirap na Santo Papa na si Pope Leo XIV.

Pope Leo XIV, emosyonal na humarap sa publiko sa unang pagkakataon
Pope Leo XIV, emosyonal na humarap sa publiko sa unang pagkakataon (Vatican News)
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang halos dalawang araw na proseso ng conclave of cardinals, kung saan pipili ng bagong hihiranging Santo Papa, nakita ang puting usok na hudyat na mayroon nang papalit sa namayapang si Pope Francis.Matapos ang halos dalawang araw na proseso ng conclave of cardinals, kung saan pipili ng bagong hihiranging Santo Papa, nakita ang puting usok na hudyat na mayroon nang papalit sa namayapang si Pope Francis.

Sa kanyang paglabas sa balkonahe ng St. Peter's Basilica, nakangiting kumaway ang ika-267 na napiling Santo Papa upang mamuno sa Simbahang Katoliko.

Sa video na ibinahagi ng Vatican News, kapansin-pansin ang umano'y pagpigil ng luha ni Pope Leo XIV, na gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Amerikano na naging Santo Papa.

Mensahe ng kapayapaan ang kanyang dala bilang unang pabatid niya sa publiko na matiyagang naghintay sa kanyang pagkakatalaga.

Narito ang ilan sa mga nasabing kaganapan:

Si Pope Leo XIV ang bagong hirang na Santo Papa na dating kilala bilang Cardinal Robert Francis Prevost. Siya ang kauna-unahang Amerikanong naging Pope sa kasaysayan ng Simbahang Katolika. Ipinanganak siya noong Setyembre 14, 1955, sa Chicago, Illinois, at miyembro ng Order of Saint Augustine. Bilang isang misyonaryong obispo, nagsilbi siya sa Peru bago itinalaga bilang kardinal noong 2023 at naging Prefektong ng Dicastery for Bishops. Noong Mayo 8, 2025, siya ay nahirang bilang Santo Papa sa isang papal conclave na dinaluhan ng 133 kardinal. Pinili niyang gamitin ang pangalang Leo XIV, bilang paggalang kay Pope Leo XIII na kilala sa kanyang mga turo ukol sa social justice at moralidad.

Sa kanyang unang talumpati bilang Santo Papa, nagbigay siya ng mensahe ng kapayapaan at pagkakaisa, at nagbigay galang sa kanyang naunang tagapagtanggol, si Pope Francis, na pumanaw noong Abril 21, 2025. Matatandaang naging kritikal pa ang lagay ni Pope Francis, at nang bumuti ang kanyang lagay, nagawa pa niyang magbasbas sa publiko sa pagdiriwang ng Easter Sunday ngayong taon.

Ang unang malaking pampublikong kaganapan ni Pope Leo XIV ay ang pagdiriwang ng Banal na Misa kasama ang mga kardinal sa Mayo 9, 2025, sa Sistine Chapel. Inaasahan din ang kanyang unang Angelus sa Mayo 11 mula sa bintana ng Apostolic Palace ng Vatican.

Samantala, bago si Pope Francis naging usap-usapan din ang pinalitan nitong Santo Papa na si Pope Benedict XVI na namayapa noong 2022. Matatandaang nagbitiw ito sa kanyang tungkulin noong 2013 dahil 'di umano sa kanyang kalusugan. Sinasabing ang resignation niyang ito ay makasaysayan din dahil ito umano ang kauna-unahan sa ating henerasyon gayung ang naitalang unang pagbibitiw sa katungkulan bilang Santo Papa ay isinagawa ni Gregory XII, nasa 600 taon na umano ang nakararaan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica