Babaeng pasahero, nahulihan umano ng apat na bala sa Mactan-Cebu International Airport
- Isang 47-anyos na babae ang nahulihan ng apat na bala sa kanyang hand-carry bag sa Mactan-Cebu International Airport
- Patungo sana siya sa Tacloban City, Leyte nang makita ng X-ray machine ang mga bala noong Marso 27, 2025
- Inaresto siya dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 at sa COMELEC gun ban matapos mabigong magpakita ng kaukulang dokumento
- Sumailalim siya sa inquest proceedings noong Marso 28, 2025 at inaasahang magpo-post ng piyansa sa Marso 31, 2025
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isang 47-anyos na babaeng pasahero ang nahulihan ng apat na bala sa kanyang hand-carry bag sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) sa Lapu-Lapu City noong Marso 27, 2025.

Source: Facebook
Patungo sana sa Tacloban City, Leyte ang babae nang makita sa X-ray machine ang mga bagay na kahawig ng bala habang isinasa-ilalim sa security screening ang kanyang bagahe bandang ala-una ng hapon.
Agad na isinagawa ng personnel ng Office of Transportation Security (OTS) ang ocular inspection sa kanyang bag na sinaksihan naman ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Unit.

Read also
Sen. Bong Revilla, nagpasalamat sa Sto. Niño matapos makaligtas sa helicopter emergency landing
Natagpuan ang apat na bala sa isang pouch sa loob ng kanyang hand-carry bag. Dagdag pa rito, nabigo umano ang babae na magpakita ng kaukulang dokumento na magpapatunay ng legal na pagmamay-ari niya ng mga bala.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Inaresto ang babae dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, at sa umiiral na gun ban ng Commission on Elections (COMELEC).
Sumailalim na siya sa inquest proceedings noong Marso 28, 2025, at inaasahang magpo-post ng piyansa sa Lunes, Marso 31, 2025.
Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag mula sa nasabing babae na residente rin ng Lapu-Lapu City at nagtatrabaho umano bilang Human Resource (HR) manager.
Ang ‘Laglag Bala’ modus ay isang kontrobersyal na insidente na unang sumiklab noong 2015 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kung saan umano’y nilalagyan ng bala ang bagahe ng mga pasahero upang kikilan sila ng mga tiwaling opisyal ng airport.
Kapag natagpuan ang bala sa kanilang gamit, pinagbabantaan ang mga biktima ng posibleng pagkakakulong maliban na lamang kung magbibigay sila ng pera kapalit ng kanilang kalayaan. Dahil dito, maraming lokal at dayuhang pasahero ang nagdusa sa kamay ng mga sindikatong sangkot sa naturang modus.
Dahil sa matinding batikos ng publiko at media, pinaigting ng gobyerno ang imbestigasyon at pinaigting ang seguridad sa mga paliparan upang maiwasan ang ganitong uri ng pananamantala. Sa kabila ng mas mahigpit na regulasyon, may mga ulat pa rin ng mga insidente ng pagkakahuli ng bala sa bagahe ng mga pasahero, na nagiging sanhi ng pagkabahala sa publiko.
Isang 68-anyos na senior citizen ang nahulihan ng bala sa kanyang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Mariing itinanggi ng biktima na sa kanya ang nasabing bala, na nagdulot ng hinala na posibleng nabiktima ito ng ‘Laglag Bala’ modus.
Samantala, isang 45-anyos na lalaki ang nahulihan ng isang bala sa kanyang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Ayon sa biktima, wala siyang dalang baril at hindi niya alam kung paano napunta ang bala sa kanyang gamit, na muling nagbunsod ng takot sa publiko tungkol sa ‘Laglag Bala’ modus.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh