Grade 10 student, inaresto matapos bugbugin at saksakin ang Grade 8 student sa Cainta

Grade 10 student, inaresto matapos bugbugin at saksakin ang Grade 8 student sa Cainta

Inaresto ng mga pulis ang isang Grade 10 student matapos saksakin at bugbugin ang isang Grade 8 student sa Cainta, Rizal

Naganap ang insidente noong Marso 17 sa Sunflower St., Brgy. San Juan, Cainta matapos samahan ng biktima ang kanyang nobya sa cheer dance practice

Sinaksak ng suspek ang biktima sa ibabang bahagi ng katawan matapos itong pagtulungang bugbugin ng kanyang grupo

Kaagad isinugod ng ina sa ospital ang biktima at mabilis ding naaresto ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng pulisya

Inaresto ng mga awtoridad ang isang binatilyong Grade 10 student matapos umanong bugbugin at saksakin ang Grade 8 student sa Cainta, Rizal, nitong Miyerkules.

Grade 10 student, inaresto matapos bugbugin at saksakin ang Grade 8 student sa Cainta
Grade 10 student, inaresto matapos bugbugin at saksakin ang Grade 8 student sa Cainta (📷Pexels)
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinilala ang suspek sa alyas na ‘RB,’ 16, Grade 10 student, at residente ng Brgy. Dolores, Taytay, Rizal. Samantala, ang biktima naman ay kinilalang si alyas ‘JC,’ 16, Grade 8 student, at residente ng Brgy. San Juan, Cainta, Rizal.

Batay sa ulat ng Cainta Municipal Police Station, nangyari ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon noong Marso 17 sa Sunflower St., Brgy. San Juan, Cainta. Ayon sa imbestigasyon, sinamahan umano ni JC ang kaniyang nobya sa cheer dance practice sa naturang lugar. Ngunit, hindi inaasahan ng biktima na pagsasama-samahin umano siya ng suspek at kaniyang mga kabarkada.

Read also

Magsasaka sa Quezon, patay matapos tagain ng 83-anyos na kapitbahay dahil sa ingay

Pinagtulungan umanong bugbugin si JC ng grupo ng suspek, at hindi pa nasiyahan, bumunot pa si RB ng patalim at sinaksak ang biktima sa ibabang bahagi ng katawan nito bago mabilis na nagsitakas.

Kaagad namang isinugod ng ina ni JC sa Cainta Municipal Hospital ang biktima upang malapatan ng lunas bago nagtungo sa himpilan ng pulisya upang magsampa ng reklamo.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis, mabilis na naaresto ang suspek at nahaharap ito sa kasong frustrated murder. Dahil menor de edad ang suspek, inaasahang iti-turnover siya ng mga awtoridad sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa tamang proseso.

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.

Read also

VP Sara, ibinihagi ang mensahe ng kanyang amang si FPRRD sa kanilang supporters

Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.

Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral. Marami umano ang nai-inspire kapag nalalaman ang kwento ng kanyang buhay .Isang lalaki ang natagpuang patay sa tabing-ilog matapos saksakin at gilitan ng isang 40-anyos na lalaki sa Barangay Catmondaan, Catmon, Cebu. Ayon sa ulat ng Brigada News FM Cebu noong Martes, Marso 4, 2025, matagal na umanong may alitan ang dalawa, na nauwi sa madugong insidente.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate