Cherry White, sinabing hiwalay na sila ni Grey Crawford sa kabila ng kanyang pagbubuntis
- Naging emosyonal si Cherry White sa pag-amin na buntis siya habang inihayag ang paghihiwalay nila ni Grey Crawford
- Itinanggi ni Grey sa isang Facebook post na nakipaghiwalay siya at nilinaw na lumabas lang siya ng bahay para magpalamig
- Sinabi ni Grey na nasaktan siya sa ginawa ni Cherry noong araw ng kanyang kaarawan kung saan nagwala at minura umano siya nito
- Ipinahayag ni Grey na handa pa rin siyang ayusin ang kanilang relasyon sa kabila ng nangyaring sigalot sa kanilang dalawa
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Emosyonal na inamin ng sikat na vlogger na si Cherry White na hiwalay na sila ng kanyang fiancé na si Grey Crawford sa kabila ng kanyang masayang balita na buntis siya at magkakaroon ng pangalawang anak. Sa kanyang video, sinabi ni Cherry na hiniling niya ito sa Diyos at masayang-masaya siya sa biyayang natanggap.

Source: Facebook
Ngunit sa kabila ng masayang balitang ito, naulit umano ang nangyari sa kanya at sa ex-partner niyang si Mikee noon. Hindi daw niya inakalag susukuan sya ni Grey. 29 hours na raw siyang walang tulog dahil hinahanap niya ito pero hindi na raw ito babalik sa kanya” emosyonal na pahayag ni Cherry.
Aminado rin si Cherry na posibleng siya ang may pagkukulang at baka nasakal si Grey sa kanya.
Samantala, sumagot naman si Grey sa pamamagitan ng isang mahabang post sa kanyang Facebook account, kung saan itinanggi niya na nakipaghiwalay siya kay Cherry.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Hinde ako nakipaghiwalay sayo Cherry. Wala akong sinasabing ganon sayo. Lumabas lang ako ng bahay dahil sobrang nasaktan ako sa ginawa mo,” paglilinaw ni Grey. Ikinuwento niya ang nangyari noong araw ng kanyang kaarawan, kung saan umano’y nagwala si Cherry, nagbato ng basurahan, at minura siya sa harap ng kanyang ina.
Ayon kay Grey, sinubukan niyang kausapin nang mahinahon si Cherry ngunit sinigawan umano siya nito. Dahil sa sobrang galit at sama ng loob, umakyat na lamang siya sa kwarto para magpalamig. “Pumasok ako ng kwarto para magpalamig dahil sa sobrang galit at sama ng loob ko,” aniya.
Sinabi rin ni Grey na 5 beses niyang kinatok si Cherry sa dressing room para kausapin ito pero hindi umano siya pinagbuksan hanggang sa sumabog na lalo ang kanyang galit. “Nagpalamig lang ako sa labas ng bahay pero babalik at babalik ako. Wala akong sinabing iiwan kita,” paliwanag niya.
Masama rin ang loob ni Grey dahil bago raw humingi ng tawad si Cherry ay nauna pa itong mag-post ng kanilang problema sa social media. “Sana inisip mo muna kung ano magiging impact nito sa ating dalawa bago ka nag-post ng video,” pahayag ni Grey.
Dagdag pa niya, ginagawa niya ang lahat para magpakumbaba at magpatawad sa kabila ng mga masasakit na salita na natatanggap niya mula kay Cherry. “Kahit napahiya ako sa social media, aayusin ko pa rin ang sa atin. Hindi ko kayang iwan ka Cherry sa ganitong sitwasyon,” ani Grey.
Sa pagtatapos ng kanyang post, sinabi ni Grey na mahal na mahal niya si Cherry at handa pa rin siyang ayusin ang kanilang relasyon sa kabila ng lahat. “Ginagawa ko lang ang lahat para magpalamig at makapag-isip, pero hindi ko kayang iwan ka, Cherry,” pagtatapos ni Grey.
Habang ang ilan sa kanilang followers ay nagpahayag ng suporta kay Cherry, meron ring kumampi kay Grey at sinabing hindi tama na idaan sa social media ang kanilang away.
Patuloy namang inaabangan ng netizens kung maaayos pa ba ng dalawa ang kanilang relasyon o tuluyan na nga bang maghihiwalay ang sikat na vlogger at ang kanyang fiancé.
Si Cherry White ang naging karelasyon ng kapwa niya content creator na si Boy Tapang. Si Boy Tapang ay isang content creator na nakilala sa kanyang vlogs kung saan kadalasan ay nag-mumukbang siya ng mga prutas at iba pang pagkain sa kanilang lugar at kakaibang content kung saan wala siyang inaatrasan. Kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit dalawang milyong subscribers sa YouTube at maghigit dalawang milyon din sa Facebook.
Matatadaang inalmahan ni Boy Tapang ang mga naging pahayag ni MG sa kanyang partner na si Cherry White. Ani Boy Tapang, noong una daw ay nag-message si MG sa kanila na gagawa daw siya ng content na pangpa-hype lang. Aniya, nang mapansin daw ni MG na marami ang views ay gumawa pa ito ng isa pang video. Sinabi din ni Boy Tapang na nakikisawsaw daw ito sa isyu nila dahil trending ang issue.
Nagsalita si Boy Tapang sa dahilan ng hiwalayan nila ni Cherry White. Sa isang live video naglabas ng maaanghang na salita si Boy Tapang at sinabing binubugbog daw siya ni Cherry White. Umabot pa raw sa puntong pinagbantaan nito ang buhay niya gamit ang patalim. Aniya, may mga patunay siya at handa siyang harapin daw ang dating karelasyon kahit umabot sila kay Sen. Tulfo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh