Senyora, may sagot sa komento ni Chloe sa post nya: "Kaya gigil sayo mga matatanda, e"
- Nagkomento si Chloe San Jose sa isang Facebook post ni Senyora na agad umani ng atensyon mula sa netizens
- Sa Facebook post ngayong Lunes, Marso 3, 2025, ni-repost ni Senyora ang isang artikulo tungkol sa bagong patama umano ni Raquel Pempengco sa kanyang anak na si Jake Zyrus
- Hindi malinaw kung sino ang kanyang pinatutungkulan, ngunit umani ng reaksiyon ang komentong ito ni Chloe
- Matatandaang nagkaroon ng sigalot si Chloe at Angelica Yulo matapos siyang akusahan ng ina ng gymnast na inilalayo si Carlos sa pamilya nito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naging usap-usapan sa social media ang komento ni Chloe San Jose sa isang post ng kilalang social media personality na si Senyora. Sa Facebook post ngayong Lunes, Marso 3, 2025, ni-repost ni Senyora ang isang artikulo tungkol sa bagong patama umano ni Raquel Pempengco sa kanyang anak na si Jake Zyrus. Sa comments section, nagbigay ng matinding pahayag si Chloe na agad na umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa netizens.

Source: Facebook
Tila may pasaring si Chloe nang sabihin niyang, "meron pa akong kakilala, ganyang ganyan din Senyora.." Bagamat hindi malinaw kung sino ang kanyang tinutukoy, hindi maiwasang ikonekta ito sa kanyang naging alitan sa ina ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo, pati na rin sa kanyang sagutan kay comedienne Ai-Ai delas Alas.
Sinagot naman siya ni Senyora: "Chloe yan ka na naman! Kaya gigil sayo mga matatanda e"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang nagkaroon ng matinding hidwaan si Chloe at si Angelica matapos akusahan siya ng ina ni Carlos na sinisira ang relasyon ng pamilya ng sikat na gymnast. Sinubukan pa ng ina ni Chloe na makipag-usap kay Angelica upang maayos ang gusot, ngunit ayon kay Chloe, hindi raw ito nagbunga ng positibong resulta.
Dahil sa kanyang mga kontrobersyal na pahayag, patuloy na nagiging sentro ng usap-usapan si Chloe San Jose sa social media. Samantala, hindi pa siya nagbibigay ng paglilinaw kung sino nga ba ang tinutukoy niya sa kanyang misteryosong komento.

Source: Facebook
Si Chloe San Jose ay kilalang social media personality at influencer sa Pilipinas. Kadalsan siyang nagpo-post tungkol sa fashion, lifestyle, at travel. Madalas din siyang nasasangkot sa mga kontrobersiya at usap-usapan sa social media, lalo na’t palaban ang kanyang personalidad pagdating sa mga isyu.
Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkakasabay ni Chloe San Jose at ng kanyang kasintahan na si Carlos Yulo sa Japan habang naroon din ang nakababatang kapatid ni Carlos na sina Eldrew at Yza. Sa isang post ni Chloe kung saan makikitang nasa Japan siya, isang netizen ang nagtanong kung bumalik na sila ni Carlos sa Tokyo at kung bumisita ba sila kina Eldrew at Yza.
Matatandaang sinagot ni Chloe San Jose ang tanong ng isang netizen tungkol sa kanyang ilong at sinabing hindi siya nagpa-retoke. Inamin ni Chloe na natural ang kanyang ilong at biro niyang nakuha ito sa kakapisil noong bata pa siya. Ibinahagi niyang ginagamit pa noon ang pang-ipit ng damit sa kanyang ilong para maging matangos. Pinayuhan ni Chloe ang netizen na huwag mag-alala dahil natural na nade-develop pa ang features ng bata.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh