Diwata, tinulungan ang isang foreigner na nag-apply sa kanyang paresan

Diwata, tinulungan ang isang foreigner na nag-apply sa kanyang paresan

- Binahagi ni Diwata ang video ng kanyang pagtulong sa isang foreigner na mula sa USA

- Nawala daw ang cellphone at pera nito nang pumunta siya sa isang kainan sa kanyang business meeting

- Wala na raw itong malapitan kaya naisip niyang puntahan si Diwata para mag-apply ng trabaho para kumita ng pera para makauwi siya

- Binigyan ni Diwata ang naturang foreigner ng cellphone at pera para makauwi siya sa Olongapo kung saan siya nakatira

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang kuwento ng kabutihang loob ang naibahagi ng kilalang lokal na si Diwata matapos niyang tulungan ang isang dayuhan mula sa Estados Unidos na nawalang cellphone at pera habang nasa business meeting.

Diwata, tinulungan ang isang foreigner na nag-apply sa kanyang paresan
Diwata, tinulungan ang isang foreigner na nag-apply sa kanyang paresan
Source: Facebook

Ayon sa video na ibinahagi ni Diwata sa kanyang social media account, ang foreigner ay nagpunta sa isang kainan upang magdaos ng kanyang business meeting nang biglang nawala ang kanyang cellphone at pitaka. Dahil dito, nawala rin ang kanyang kakayahang makipag-ugnayan sa mga malalapit na kontak, kaya't kinailangan niyang maghanap ng paraan upang makabalik sa kanyang bansa.

Read also

Kris Aquino, Nakalabas na ng ospital ayon sa malapit na kaibigang si Dindo Balares

Sa kanyang paghahanap ng tulong, agad na inabutan ni Diwata ang sitwasyon at nagpakita ng malasakit.

Ang kabutihang ipinamalas ni Diwata ay tunay na inspirasyon para sa marami. Ipinakita niya na sa simpleng paraan, tulad ng pagbibigay ng cellphone at pera, ay malaki na ang maitutulong upang mabago ang buhay ng isang tao na nasa kagipitan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa panahon ngayon kung saan maraming hamon at pagsubok ang hinaharap ng bawat isa, ang kwento ni Diwata ay paalala na ang tunay na diwa ng pagtutulungan at malasakit sa kapwa ay patuloy na buhay at nagbibigay pag-asa sa komunidad.

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Read also

Maggie Wilson, may binahaging quote tungkol sa 'katotohanan'

Sinagot ni Diwata ang inihayag na opinyon ni Mystica patungkol sa kanya. Sinabi ni Mystica na yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat. Para kay Diwata, hindi naman importante sa buhay niya si Mystica kaya hindi na daw dapat niya itong pansinin. Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang negosyo.

Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang dipensahan si Diwata sa mga negatibong komento. Kabilang na dito ay ang komentong yumabang na raw ito matapos ilabas ng ilang vloggers ang video na tila hindi sila napagbigyan ni Diwata. Ani Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag na lang magpakita muna kung kailangan niyang magpahinga kesa makuhanan siya ng video.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: