Binatilyo, patay matapos martilyuhin ng kanyang kapatid; kanilang ina, kritikal

Binatilyo, patay matapos martilyuhin ng kanyang kapatid; kanilang ina, kritikal

- Pumanaw ang isang 16-anyos na binatilyo sa General Santos City matapos umanong pukpukin ng martilyo ng kanyang nakatatandang kapatid

- Natagpuan ng mga pulis ang biktima sa kanyang kama, habang ang ina nito ay nasa kritikal na kondisyon

- Ayon sa suspek, wala raw siya nasa tamang pag-iisip at wala siyang maalala tungkol sa insidente

- Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang pinagpapasyahan ng mga kamag-anak kung magsasampa ng kaso

Isang malagim na insidente ang naganap sa lungsod na ito matapos umano’y pukpukin ng isang lalaking suspek ang kanyang nakababatang kapatid at ang kanilang ina sa loob ng kanilang tahanan, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Binatilyo, patay matapos martilyuhin ng kanyang kapatid; kanilang ina, kritikal
Binatilyo, patay matapos martilyuhin ng kanyang kapatid; kanilang ina, kritikal (Wikimedia Commons)
Source: Youtube

Natagpuan ng mga awtoridad ang 16-anyos na biktima sa kanyang kama, may yakap pang unan, na tila hindi na nakabangon mula sa sinapit na karahasan. Ang kanilang ina naman ay natagpuang nakahandusay sa sahig at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa ospital.

Read also

Mister, hinampas dumbbell ng misis habang nagpapahinga; patay

Narekober din ng mga pulis ang martilyong posibleng ginamit sa nasabing krimen. Ayon sa pahayag ng suspek, hindi umano siya nasa tamang pag-iisip nang mangyari ang insidente at wala siyang maalalang detalye ng mga pangyayari.

Patuloy pang pinag-iisipan ng mga kamag-anak ng mga biktima kung magsasampa sila ng kaso laban sa nakatatandang kapatid, na kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.

Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: