Teacher, patay matapos matuklaw ng cobra habang pinapakain ang alagang aso

Teacher, patay matapos matuklaw ng cobra habang pinapakain ang alagang aso

- Nasawi ang isang gṳro sa Presentacion, Camarines Sur matapos matuklaw ng cobra habang pinapakain ang kanyang mga alagang aso

- Isinugod ang gṳro sa ospital ngunit walang available na anti-venom vaccine

- Pumanaw din ang dalawang alagang aso ng gṳro matapos silang matuklaw ng cobra

- Napatay ng mga kapitbahay ang cobra matapos ang insidente

Isang gṳro sa Presentacion, Camarines Sur ang pumanaw matapos matuklaw ng isang cobra sa kanilang bakuran. Ayon sa ulat ng DZRH Naga, ang gṳro, na nagtuturo sa elementarya, ay nakarinig ng ingay mula sa kanyang dalawang alagang aso kaya’t minabuti niyang dalhan ng pagkain ang mga ito.

Teacher, patay matapos matuklaw ng cobra habang pinapakain ang alagang aso
Teacher, patay matapos matuklaw ng cobra habang pinapakain ang alagang aso (Wikimedia Commons)
Source: Facebook

Sa hindi inaasahang pangyayari, biglang tinuklaw ng isang cobra ang gṳro. Agad naman siyang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ngunit kinumpirma ng ospital na walang available na anti-venom vaccine sa mga oras na iyon.

Dahil dito, hindi naisalba ang buhay ng gṳro, pati na rin ang kanyang dalawang aso na natuklaw din ng naturang ahas. Napatay naman ng mga rumespondeng kapitbahay ang cobra, subalit huli na ang lahat para sa gṳro at sa kanyang mga alaga.

Read also

Dating basketball player at actor na si Raul Dillo, proud na nagtitinda ng longganisa

Ang insidente ay nagdulot ng labis na kalungkutan sa komunidad kung saan kilala ang gṳro bilang masipag at mapagmahal sa kanyang trabaho at mga alagang hayop.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng anti-venom sa mga komunidad, lalo na sa mga lugar na malapit sa kagubatan o kanayunan, ay napakahalaga upang maiwasan ang mga trahedyang dulot ng tuklaw ng makamandag na ahas tulad ng cobra. Sa Pilipinas, maraming lugar ang itinuturing na “snake-prone” dahil sa malawak na kagubatan at bukirin, kaya’t mataas ang panganib na matuklaw ng ahas ang mga residente, lalo na ang mga magsasaka, manggagawa, at mga simpleng mamamayan.

Sa naunang ulat ng KAMI, isang napakalaking ahas ang natagpuang gumagapang sa isang drainage sa Batangas. Tatlong lalaki ang nagtangkang hulihin ang ahas sa pinaka-matinding paraan. Sa wakas, nahuli ang ahas at inilagay sa loob ng isang sako.

Read also

Lolong inatake sa puso, sinaklolohan ng tattoo artist na ‘di niya kakilala

Si Elies 'Peter,' na mas kilala bilang "Cobra King mula sa Sorsogon," ay namatay matapos matuklaw ng sarili niyang ahas. Hawak niya ang titulo dahil sa kanyang husay sa paghawak ng mga ahas mula pa nang siya ay 15 taong gulang. Ayon sa mga ulat, bigla umanong naging agresibo ang kanyang alagang ahas at tinuklaw si Peter sa kaliwang kamay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate