Doc Willie Ong, muling nagbahagi ng kanyang mensahe sa mga Filipino

Doc Willie Ong, muling nagbahagi ng kanyang mensahe sa mga Filipino

- Sa kanyang pinakabagong video, pinakita ni Doc Willie Ong ang mga resulta ng kanyang mga lab test

- Mababa lang daw ang tsansa na siya ay mabuhay ng mas mahaba dahil mahirap ang kanyang kinakalaban na sarcoma

- Nagbahagi siya ng payo para sa mga Pinoy na maging mas mabuting tao, maging mapagmahal at mapagpasensiya

- Inalmahan din niya ang mga gumagamit sa pangalan at picture niya para sa mga fake ads

Sa pinakabagong video na inilabas ni Doc Willie Ong, isang kilalang doktor at health advocate, ipinakita niya ang mga resulta ng kanyang mga laboratory tests na nagpapakita ng patuloy na laban niya sa isang matinding sakit na sarcoma.

Doc Willie Ong, muling nagbahagi ng kanyang mensahe sa mga Filipino
Doc Willie Ong, muling nagbahagi ng kanyang mensahe sa mga Filipino
Source: Youtube

Ayon kay Doc Willie, mababa ang tsansa niyang mabuhay nang mas mahaba dahil sa bigat ng kanyang karamdaman, ngunit sa kabila ng lahat ng ito, patuloy pa rin niyang binibigyan ng inspirasyon ang mga Pilipino.

Read also

Doc Willie Ong, naglabas ng saloobin sa mga nanghusga sa kanya

"Nagkaroon ako ng sepsis, bumaba ang blood pressure ko. Tignan niyo ang mukha ko, kung gaano na ako kapangit," ani Doc Willie habang ipinapakita ang epekto ng kanyang kondisyon sa kanyang pisikal na anyo.

Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, patuloy niyang binibigyang halaga ang kanyang misyon sa buhay. “Basta sa huling hininga ko, sasabihin ko lagi, gusto kong tulungan ‘yung mga nasa probinsiya, ‘yung mga mahihirap, dahil ‘yan ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Dapat patay na ako last week eh. Kung mabubuhay pa ako ng isang araw, ibibigay ko ‘yon para sa mga Pilipino.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagbahagi rin si Doc Willie ng mga payo sa kanyang mga tagasubaybay, hinihikayat ang bawat isa na maging mas mabuting tao, maging mapagmahal at mapagpasensiya sa gitna ng mga pagsubok sa buhay. Pinuri rin niya ang kabutihan ng mga simpleng Pilipino at hinimok silang ipagpatuloy ang pagtulong sa kapwa.

Read also

Doc Willie Ong, muling dumaan sa kritikal na kondisyon

Samantala, matindi ang pag-alma ni Doc Willie sa mga gumagamit ng kanyang pangalan at larawan sa mga pekeng advertisement, lalo na sa mga social media platforms. "Nakakalungkot na may mga gumagamit ng pangalan at mukha ko para sa mga maling layunin. Hindi ko iniendorso ang mga ‘yan, kaya mag-ingat kayo," babala niya.

Patuloy ang pagtutok ng mga netizen kay Doc Willie at sa kanyang laban sa sakit, at hindi maitatanggi ang malalim na epekto ng kanyang mensahe ng pag-asa at malasakit sa mga Pilipino.

Si Willie Tan Ong ay isang Filipino cardiologist, internist, at media personality na sumikat dahil sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang Facebook page at YouTube channel. Nakilala din siya sa programang Salamat Dok bilang isa sa mga resident medical expert at volunteer doctor mula 2008 hanggang 2018. Bukod pa rito, naging regular din siyang kolumnista sa The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kung saan nagsusulat siya tungkol sa kalusugan.

Read also

SB19 Stell at Pablo sinagot isyu ng pagpaparetoke: 'Di ba obvious?'

Matatandaang naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang 'Kuya Boy' na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel.

Ipinaliwanag din ni Doc Willie ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm. Bagama't bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate