Saksi sa paglibing sa mga bangkay nina Geneva Lopez at bf, lumutang

Saksi sa paglibing sa mga bangkay nina Geneva Lopez at bf, lumutang

- Isang testigo na nakakita sa paglibing ang naging susi sa pagkahanap ng mga labi ng magkasintahang Geneva Lopez at Yitzhak Cohen sa Capas, Tarlac

- Ayon sa witness na si alyas Junjun, naroon mismo siya nang maghukay at ibaon ang mga biktima

- Kinontrata daw siya para magkompuni ng sasakyan at siya rin daw ang inutusang sunugin ang SUV ng magkasintahan

- Kinumpirma ng mga pamilya na ang dalawang bangkay ang kanilang hinahanap pero sasailalim pa rin sa DNA test

Isang testigo na nakakita sa paglibing ang naging susi sa pagkahanap ng mga labi ng magkasintahang sina Geneva Lopez at Yitzhak Cohen sa Capas, Tarlac. Ayon sa witness na si alyas Junjun, naroon mismo siya nang maghukay at ibaon ang mga biktima.

Saksi sa paglibing sa mga bangkay nina Geneva Lopez at bf, lumutang
Saksi sa paglibing sa mga bangkay nina Geneva Lopez at bf, lumutang
Source: Facebook

Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Junjun na siya ay kinontrata para magkompuni ng sasakyan at siya rin daw ang inutusang sunugin ang SUV ng magkasintahan matapos ang insidente.

Read also

Mo Twister, ipinakita ang mga kalmot sa mukha sa gitna ng hiwalayan nila ni Angelicopter

Ayon pa sa kanya mabilis lang ang pagkakalibing na hindi daw umabot ng kalahating oras.

Kinumpirma ng mga pamilya ng mga biktima na ang dalawang bangkay ay sina Geneva at Yitzhak, ngunit sasailalim pa rin ang mga ito sa DNA test upang matiyak ang kanilang pagkakakilanlan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa ksalukuyan ay hawak na ng otoridad ang dalawang persons of interest na tinuturo ng witness.

Ang bagong impormasyong ito ay nagbigay linaw sa matagal nang misteryo ng pagkawala ng magkasintahan, na nagdulot ng labis na kalungkutan at pangamba sa kanilang mga mahal sa buhay.

Huling nakita sina Lopez, isang Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant, at ang kanyang Israeli boyfriend na si Cohen noong Hunyo 21. Bumiyahe ang dalawa mula sa kanilang tirahan sa Angeles City, Pampanga patungong Tarlac upang tingnan ang bibilhing lupa.

Read also

Melai, nagkwento paano mag-CR na may camera sa loob ng PBB house

Matatandaang sinusuri ng mga awtoridad ang CCTV footage ng sasakyan na ginamit ng Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant na si Geneva Lopez at ng kanyang Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen, na iniulat na nawawala noong Hunyo 22.

Nauna na ring naiulat na ilang tao na ang itinuturing na persons of interest (POI) ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkawala ng beauty pageant contestant mula Pampanga na si Geneva Lopez at ng kanyang Israeli na boyfriend na si Yitshak Cohen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: