Melai, nagkwento paano mag-CR na may camera sa loob ng PBB house

Melai, nagkwento paano mag-CR na may camera sa loob ng PBB house

- Nausisa si Melai Francisco kung paano mag-CR sa loob ng bahay ni Kuya

- Ito ay matapos mabalitaang may CCTV maging ang mga palikuran ng Pinoy Big Brother house

- Ipinaliwanag naman ni Bianca Gonzales ang kahalagahan ng pagkakaroon nito

- Nilinaw ni Direk Lauren Dyogi na walang recorded na kuha sa loob ng CR ng PBB house

Sa media conference ng Pinoy Big Brother Gen 11, isa sa mga nausisa sa mga host ng programa na pawang mga dating housemates ni Kuya ay ang challenging part umano ng pagiging isang housemate.

Melai, nagkwento paano mag-CR na may camera sa loob ng PBB house
Melai, nagkwento paano mag-CR na may camera sa loob ng PBB house (ABS-CBN)
Source: Facebook

Unang naisagot ni Melai Francisco ang pagkawalay sa pamilya lalo na at hindi raw nila maiwasang maisip ang mga ito sa araw-araw na hindi nila ito makapiling o makausap manlang.

Sinundan ito ng tanong kung challenging din ba umano ang paggamit ng banyo sa loob ng PBB na mayroon din umanong camera.

Read also

Direk Lauren Dyogi, may pakiusap sa mga Blooms kaugnay sa viral incident nina Maloi at Aiah

"Madali naman, yung nanonood lang ang mahirapan," biro ni Melai. Gayunpaman, pinaliwanag naman niya ang kahalagahan nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kailangan talaga ng may camera... Hindi 'yan para matingnan 'yung mga kwan. Kasi talagang for emergency purposes talaga 'yan," dagdag pa niya.

Aminado rin si Melai na sa umpisa'y nahiya at nahirapan siya sa paggamit nito subalit kalaunan, nasanay na rin daw siya.

Samantala, sinegundahan naman ng isa ring dating housemate at ngayo'y host na rin ng PBB na si Bianca Gonzales ang nasabi ni Melai kaugnay sa kahalagahan ng pagkakaroon ng camera sa loob ng palikuran ng PBB house.

"Ang camera sa dalawang banyo which is yung toilet and liguan parang security cam lang, lipstick camera. Hindi siya nagmu-move. Kasi nga, parang CCTV. For emergency purposes talaga."

Ayon pa kay Bianca, sa batch ng kanyang kapwa celebrity housemate nagkaroon ng pagkakataon na nagkulong umano ang isa nilang kasama. Sa pagkakataong tulad nito, nakikita kung ano na nga ba ang ginagawa ng nasa loob na maaring maging isa ring violation.

Read also

Ex-cop, kasama sa pitong persons of interest sa pagkawala ng magkasintahan sa Tarlac

Gayunpaman, nilinaw naman ni Direk Lauren Dyogi na naroon din sa media con na kailanma'y hindi sila nag-record ng anumang kuha sa camera mula sa CR ng bahay ni Kuya.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Kapamilya Kingdon YouTube:

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jason Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Noong nakaraang taong 2023, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jason. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong mag-viral at mag-trending dahil sa mga kulitan ng kanilang pamilya labis na nakapagpapasaya sa mga manonood. Sinasabing ito na rin ang pagkakataong nag-shoot si Melai ng kanyang pelikulang Ma'am Chief.

Read also

Jake Ejercito, viral nang muling magbahagi ng 'unli haynako' convo nila ni Ellie

Samantala, kabilang pa rin si Melai sa mga hosts ng Pinoy Big brother Gen 11 na magsisimula na umano ngayong Hulyo. Kasama ni Melai bilang hosts sina Robi Domingo, Enchong Dee, Bianca Gonzales at ang bagong karagdagan sa kanila na si Alexa Ilacad. Mapapansing lahat ng mga hosts na ito ay naging housemates din ni Kuya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica