Delivery rider na lumusong sa baha at tumatanggi sa tip, labis na hinangaan
- Umani ng papuri ang delivery rider na nakilalang si Michael John Grulla
- Hindi ito nagdalawang isip na lumusong sa baha para lang mai-deliver ang pagkaing order sa may kalayuan
- Hindi na nga raw inaasahan pa ng customer na darating pa ang order dahil walang tigil ang ulan
- Ang mas lalo pang ikinahanga ng customer sa rider ay ang pagtanggi nito sa tip subalit pilit din itong ibinigay ng customer maging ang isa sa pagkaing order nila
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Talagang marami ang napabilib sa delivery rider na si Michael John Grulla dahil sa pinakita nitong dedikasyon sa kanyang trabaho.
Kwento ng Sole-Eater-MNL inaasahan na nila ng kanyang misis na kanselado na angpagkaing order nila sa online delivery app dahil sa lakas at walang tigil na pag-ulan.
Mula kasi Mandaluyong ay sa Circuit Makati pa ang kanilang order kaya hindi na sila umasang darating pa ang kanilang pagkain.
Subalit laking gulat nila nang tumawag ang delivery rider at nagbigay ng update kung nasaan na ito.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Alam ko na may part na baha sa madadaanan nya, expected ko din na siguro sisilong muna si Kuyang Rider. Pero while monitoring sa gps, MOVING SA GPS SI KUYANG RIDER kahit malakas yung ulan. Though delayed yung order namin, were shocked na umaandar padin si Kuya kahit medyo mabagal."
Iyon pala, iniwan ng rider ang motor at nilusong ang baha, makarating lang sa lugar ng customer.
Halos hindi makapaniwala ang customer nang makarating ang rider. Inaabutan niya ito ng tip at pagkain subalit tumatanggi ito. Aniya, bawal daw ito sa kanila subalit pilit itong ibinigay ng customer gayung kulang pa nga raw ito sa serbisyo at dedikasyong ipinakita ni Michael.
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Mula nang magpandemya, patok sa publiko ang mga online delivery apps na malaki umano ang naitutulong sa kaligtasan ng bawat isa. Hanggangngayon, patuloy pa rin ang pagtangkilik ng publiko sa ganitong klaseng serbisyo. Tulad ni Michael, maraming delivery riders din ang hinahangaan dahil sa ipinakikitang sipag at determinasyon sa trabaho.
Isa na rito si Francis Jan Ax Valerio na nagkatapos na ng kolehiyo matapos na mag-viral noong 2020. Matatandaang si Ax ay umantig sa puso ng netizens dahil sa pagsasabay niya ng pag-aaral habang nagtatrabaho. Sinabi niyang kinailangan niya itong gawin dahil na-stroke ang kanyang ama at ang kanyang ina na isang government employee ay hindi rin makapagtrabaho dahil ito ang nagbabantay sa ama. Bukod kay Francis, may isa pa siyang grade 10 student na kapatid na kailangan din niyang suportahan.At makalipas nga ang dalawang taon, dala na rin ng patuloy niyang pag-raket, nakatapos siya sa kursong communications na may latin honors.
Gayundin ang 52-anyos na delivery rider na nagagawa pa ring mag-aral bilang isang grade 12 student. Pangarap umano ni Benjie Estillore ang makatapos sa pag-aaral kaya ganoon na lamang ang kanyang determinasyon na pumasok sa eskwelahan sa kabila ng kanyang edad. At sa gabi, saka naman siya naghahanapbuhay bilang isang Grab driver.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh