Albie Casiño natanong kung napatawad na si Andi Eigenmann: "Hindi ko na binibigyan ng energy 'yon"

Albie Casiño natanong kung napatawad na si Andi Eigenmann: "Hindi ko na binibigyan ng energy 'yon"

- Naitanong kay Albie Casiño sa isang ambush interview kung bukas daw ba siya na makatrabahong muli ang ex niyang si Andi Eigenmann

- Naitanong din sa kanya kung napatawad na raw ba niya si Andi at hindi niya ito diretsahang sinagot kundi aniya ay hindi sila nakapag-usap

- Nasa punto raw siya ng buhay niya na hindi na niya iniisip ang ganung mga bagay

- Gayunpaman, aniya ay papansinin naman niya ito sakaling magkita sila sa pamamagitan ng peace sign

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsahang sinabi ni Albie Casiño na okay na sa kanya na hindi na makatrabaho ang kanyang ex na si Andi Eigenmann. Sa video na binahagi ni Deni Rose M. Afinidad-Bernardo ng Philippine Star, naitanong din kay Albie kung napatawad na raw ba niya si Andi.

Read also

Ogie D sa umano'y mababang views ng isang teleserye: "Kasi nga di umaangat yung istorya"

Albie Casiño, natanong tungkol sa reaksiyon sa family life ni Andi Eigenmann: 'Wala akong pakialam'
Albie Casiño, natanong tungkol sa reaksiyon sa family life ni Andi Eigenmann: 'Wala akong pakialam' (@andieigengirl)
Source: Instagram
"Never kaming nag-usap. I guess at this point of my life hindi ko na iniisip 'yon e. Hindi ko na binibigyan ng energy 'yon,."

Papansinin pa rin naman dw ni Albie si Andi sa pamamagitan ng peace sign.

"We're humans right? Hindi naman sa pagiging plastic pero ganto lang (peace sign). Eeksena pa ba ko do'n? Hindi na,"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naitanong din sa kanya kung masaya siya para kay Andi sa family lfe nito.

"I don't need to say it like this pero wala talaga kong pakialam e. It doesn't bother me, I don't think about it,"

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak sya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Read also

Ogie Diaz, ipinahiwatig sa post di niya kayang tiisin ang kaibigan: “Magbibigay ka pa din ng tulong”

Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Kamakailan ay pinasilip ni Andi ang kanilang pagluluto ng puso ng saging kasama ang ilang kasamahan nila sa surf club. Mismong si Andi ang umakyat para kumuha ng puso ng saging at siya din ang naglinis nito. Nagluto siya ng ginataang puso ng saging habang ang ibang kasamahan ay nagluto ng isda. Marami ang muling bumilib sa pagiging simple ni Andi at sa husay nitong makisama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel