52-anyos na Grab driver sa gabi, Grade 12 student naman sa umaga
- Hinangaan ng marami ang isang Grab driver na pumapasok pa rin sa paaralan at nasa Grade 12 na
- Nag-viral ang larawan kung saan makikitang hawak pa ng Grab driver ang karatula ng kanilang Grade and section sa unang araw ng klase
- Mahalaga umano ang edukasyon kaya naman sa kabila ng kanyang edad, pumasok pa rin siya sa paaralan
- Umani naman ng iba't ibang positibong reaksyon ang larawan na nagsilbing inspirasyon sa marami
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Marami ang bumilib sa 52-anyos na Grab driver na si Benjie Estillore na isa ring Grade 12 student sa umaga.
Nalaman ng KAMI na umantig sa puso ng marami ang larawang kuha ni Earl Licera kung saan makikita si Benjie na nakasuot ng uniporme at siya pang may hawak ng kanilang Grade and section sa unang araw ng klase noong Agosto 22.
Ayon sa ulat ng News 5, pangarap umano ni Benjie ang makatapos sa pag-aaral kaya ganoon na lamang ang kanyang determinasyon na pumasok sa eskwelahan sa kabila ng kanyang edad.
At sa gabi, saka naman siya naghahanapbuhay bilang isang Grab driver.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Narito ang ilan sa mga positibo at nakatataba ng pusong komento ng netizens:
"Nakaka-inspire naman ito. Sana tularan siya ng ilang kabataan na pinili na lang tumambay"
"Kids, tingnan niyo si Manong. Kahit may trabaho, alam niya ang kahalagahan ng education kaya nag-aaral pa rin siya"
"Saludo po kami sa'yo tatay. Proud na proud po siguro ang pamilya niyo sa inyo"
"One good example to our children today. Kung anuman ang naging hadlang sa pag-aaral ni Tatay noon, tiyak na bumabawi naman siya ngayon"
Matatandaang kamakailan, muling nag-viral din ang isang delivery rider dahil nakatapos na siya ng kolehiyo at with latin honors pa.
Noong 2020, nag-viral na si Francis Jan Ax Valerio dahil sa larawang kuha sa kanya kung saan nagagawa niyang dumalo ng kanyang online classes sa kabila ng kanyang pagtatrabaho.
Tulad ni Tatay Benjie, inspirasyon ang hatid ni Francis na dahil sa pagpapahalaga sa edukasyon, kinaya nila ang anumang balakid o maaring maging hadlang makamit lamang ang inaasam-asam na Katibayan ng Pagtatapos sa paaralan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh