Doris Bogornia, inalala ang 5-year old na batang nag-donate sa kanya noon ng limang piso

Doris Bogornia, inalala ang 5-year old na batang nag-donate sa kanya noon ng limang piso

- Inalala ni Doris Bigornia ang isang batang fan na nag-donate sa kanya ng limang piso

- Ito ay noong panahong na-triple bypass surgery siya dahil sa sakit sa puso

- Hindi raw niya malilimutan ang batang ito na humingi pa ng paumanhin dahil limang piso lang ang kanyang kayang ibigay na tulong

- Labis niyang ipinagpapasalamat ang mga taong hindi nagdalawang isip na magpaabot ng tulong sa kanyang pagpapa-ospital

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Doris Bigornia ang tungkol sa isang batang fan na nagawa pa ring mag-donate sa kanya ng halagang limang piso.

Doris Bogornia, inalala ang 5-year old na batang nag-donate sa kanya noon ng limang piso
Doris Bogornia (Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Youtube

Ito ay noong panahong dumaan siya sa triple bypass surgery siya dahil sa sakit sa puso, ilang taon na ang nakalipas.

Matatandaang gumulantang ito sa publiko gayung kilala si "Doray" bilang isang matapang at malakas na mamamahayag subalit sa isang iglap, nawala sa telebisyon dahil sa nakababahalang karamdaman.

Read also

Alex Gonzaga, ibinida ang duet nila ng ate niya: "Now you know kung sino mas maganda boses"

Subalit laking pasasalamat ni Doris na maramia ng nagpaabot sa kanya ng tulong sa iba't ibang paraan dahilan umano para siya ay gumaling at ngayo'y nasa itinuturing na niya umanong ikalawang buhay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ang daming nagdasal para sa akin. Ang daming tumulong sa akin financially. 'Yun ang kinagulat ko talaga na may mga tumulong. Siyempre nasa Asian hospital ako, hindi naman barya barya ang gastos dun di ba so talagang ikawiwindang mo."
"Nag-step up yung mga tao. People na hindi ko talaga kilala. Mga listeners namin ni Alvin tumulong. Meron dun isang bata, nag-text pa siya. "Sorry Mommy Doris, (five years old) Ito lang ang maibibigay ko para sa'yo pero ipagdarasal pa rin kita. Five pesos, binigay nung bata... Wow!"

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Read also

Sunshine Cruz sa paghihiwalay nila ni Macky Mathay: "Hindi na nagle-level up yung relationship"

Si Doris Bigornia ay isang journalist at field reporter para sa ABS-CBN News. Matatandaang naaksidente siya kasama ang ibang katrabaho noong December 21, 2017. Isang Montero Sport ang bumangga sa kanyang sasakyan. Nadamay din ang isang motor at limang sasakyan sa EDSA-Shaw underpass.

Noong 2021 ay na-confine din sa ospital si Doris ayon narsin sa anak niyang si Nikki. Ayon kay Nikki ay nagkaroon ng impeksiyon kaya kinailangang sumailalim sa mga procedures ang kanyang ina. Humiling ng dasal ang kanyang anak mula sa publiko. Matatandaang bago ito ay nakaligtas din si Doris matapos atakehin sa puso at na-operahan.

Abril ng 2021 nang mapanood si Doris sa TeleRadyo para magpasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya nang atakehin siya sa puso noong February 22, 2021. Masigla si Doris nang muli siyang humarap sa publiko ngunit mayroon pa rin siyang bandage sa leeg. Pinasalamatan din ni Doris ang mga doktor at medical team na tumulong sa kanyang pagpapagaling.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel