Alex Gonzaga, ibinida ang duet nila ng ate niya: "Now you know kung sino mas maganda boses"

Alex Gonzaga, ibinida ang duet nila ng ate niya: "Now you know kung sino mas maganda boses"

- Ibinida ni Alex Gonzaga ang kanyang duet kasama ang ate niyang si Toni Gonzaga

- Kinanta nila ang theme song ng bagong pelikula ni Toni na "My Sassy Girl"

- Pabiro pang sinabi ni Alex na ngayon ay alam na daw ng mga tao kung sino ang mas maganda ang boses sa kanilang dalawa

- Umani ng samu't-saring komento ang TikTok video na ito ni Alex

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Alex Gonzaga sa TikTok ng duet nila ng kanyang ate na si Toni Gonzaga. Kinanta nila ang awiting I Believe na siyang theme song ng pelikulang My Sassy Girl na pinagbibidahan ni Toni.

Alex Gonzaga, ibinida ang duet nila ng ate niya: "Now you know kung sino mas maganda boses"
Alex Gonzaga, ibinida ang duet nila ng ate niya: "Now you know kung sino mas maganda boses"
Source: TikTok

Kapansin-pansin ang paggaya ni Alex sa paraan ng pagkanta ng kanyang ate. Pabiro pang sinabi ni Alex na ngayon ay alam na daw ng mga tao kung sino ang mas maganda ang boses sa kanilang dalawa.

Read also

Pauleen Luna, ibinida ang picture ng kanyang ina kasama si Baby Mochi

Narito ang ilang komento ng netizens:

Galing galing Catherine HAHAHAHAH

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Grabe ka talaga ate @mscathygonzaga walang tatalo sayo
Ibang level tlg kabliwan ni alex

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Read also

Antonette Gail, nilinaw na nagpaopera siya pero dahil sa sakit at hindi dahil sa pagpapaganda

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel