Sunshine Cruz sa paghihiwalay nila ni Macky Mathay: "Hindi na nagle-level up yung relationship"

Sunshine Cruz sa paghihiwalay nila ni Macky Mathay: "Hindi na nagle-level up yung relationship"

- Naibahagi ni Sunshine Cruz na siya ang nakipag-hiwalay kay Macky Mathay, limang araw bago ang kanilang 6th anniversary

- Kwento niya, nasa lockin taping siya nang makipaghiwalay siya kay Macky sa pamamagitan ng pagpapadala ng message

- Aniya, sa tagal nila ay nakita niyang hindi nagle-level-up ang kanilang relasyon kaya napagpasyahan niyang makipag-hiwalay

- Gayunpaman, aniya ay wala siyang pinagsisihan sa kanilang naging relasyon at puro papuri pa rin ang kanyang nasabi patungkol sa kanyang ex

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakwento ni Sunshine Cruz sa panayam sa kanya ni Karen Davila ang ilang detalye tungkol sa hiwalayan nila ni Macky Mathay. Aniya, sa tagal nila ay nakita niyang hindi nagle-level-up ang kanilang relasyon kaya napagpasyahan niyang makipag-hiwalay.

Sunshine Cruz sa paghihiwalay nila ni Macky Mathay: "Hindi na nagle-level up yung relationship"
Sunshine Cruz sa paghihiwalay nila ni Macky Mathay: "Hindi na nagle-level up yung relationship" (@sunshinecruz718)
Source: Instagram

Gayunpaman, aniya ay wala siyang pinagsisihan sa kanilang naging relasyon at puro papuri pa rin ang kanyang nasabi patungkol sa kanyang ex. Aniya, mahal niya maging ang mga anak ni Macky.

Read also

Alex Gonzaga, ibinida ang duet nila ng ate niya: "Now you know kung sino mas maganda boses"

Nang matanong kung gusto pa daw ba niyang magpakasal sa kasalukuyan, naging mabilis ang kanyang pagtugon ng "no."

Gayunpaman, hindi niya isinasara ang kanyang sarili na umibig muli kung sakaling may darating na tamang tao para sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay mula sa sikat na angkan ng mga Cruz na kilala sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga pinsang sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz ay nakilala din sa pag-aartista at sa pag-awit. Nabiyayaan sila ng dating asawang si Cesar Montano ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kagaya ni Cesar, mayroon na ring bagong karelasyon si Sunshine.

Hindi pinalampas ni Sunshine ang isang basher na nagbanggit tungkol sa paggawa niya noon ng "bold movies." Aniya ito umano ang dahilan kung bakit na-turn off si Cesar Montano kay Sunshine kaya naghanap umano ito ng iba. Sagot ni Sunshine, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala. Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya.

Read also

Dagul, emosyonal na hiniling na sana ay matulungan ang kanyang anak

Nag-post si Sunshine ng pictures na kuha sa 18th birthday celebration ng anak niya. Makikita sa kanyang picture na binahagi na kuha ng Nice Print Photography na kasama din si Cesar sa pagdiriwang. Ito ang unang pagkakataon na nag-post si Sunshine ng picture nilang magkakasama simula nang maghiwalay sila ng dating asawa. Naroroon din ang kanyang kasalukuyang partner na si Macky Mathay at ang isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel