Rose Vega, pinakita ang kanyang first trip papuntang Australia

Rose Vega, pinakita ang kanyang first trip papuntang Australia

- Pinakita ni Rosemarie Vega ang kanyang first trip papuntang Australia

- Hindi naman malinaw kung nagpunta siya doon para sa trabaho o para magbakasyon lang

- Marami sa kanyang subscribers ang natuwa na makitang masaya at nag-eenjoy si Rose sa kanyang buhay

- Matatandaang unang sumikat si Rose nang maging bahagi ng "90 Days Fiance" kung saan kapareha niya ang kanyang ex-boyfriend na si Big Ed

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Rosemarie Vega ang kanyang unang pagpunta sa Australia. Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang kanyang biyahe mula sa Pilipinas hanggang sa makarating siya doon at mamasyal.

Rose Vega, pinakita ang kanyang first trip papuntang Australia
Rose Vega, pinakita ang kanyang first trip papuntang Australia (@rose_vega_official)
Source: Instagram

Hindi naman nabanggit ni Rose ang dahilan ng kanyang pagpunta doon. Gayunpaman, sa isang post ay nang-imbita siya sa kanyang mga tagasuporta na nasa Australia na pumunta sa isang event kung saan kabahagi siya. Ito ay isang event ng isang real estate company.

Read also

Karylle, pinaalalahanan si Vice Ganda na huwag ma-late sa Lunes

Marami sa kanyang subscribers ang natuwa na makitang masaya at nag-eenjoy si Rose sa kanyang buhay.

Rose, we are cheering for you! Have an amazing, wonderful, adventurous life filled with happiness! You deserve it!

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

You deserve all the happiness and achievements you have now
Hope you enjoy Australia, Rose! we have some beautiful places and animals

Si Rosemarie Vega ay 23-anyos at mayroon nang anak na 4 na taong gulang. Sumikat siya sa palabas ng 90 Day Fiancé kung saan nakasama niya ang kanyang ex-boyfriend na si Ed. Kinalaunan ay naglunsad ng sarili niyang YouTube channel si Rose na may pamagat na “Get to know Rosemarie Vega of 90 Days Fiance."

Ibinahagi ni Rose ang isang closet tour dahil na rin sa request ng kanyang mga subscribers. Nilinaw niyang kaunti lamang ang kanyang mga damit na nakalagay sa kanyang dalawang cabinet. Kinaaliwan ang kanyang pagbalik-tanaw sa ilang tagpo sa programang "90 Day Fiancé" kung saan naisuot niya ang ilan sa mga damit na kanyang pinakita. Sa naturang video, pinasalamatan ni Rose ang kanyang mga subscribers at mga viewers dahil sila umano ang dahilan kung paano siya nakakabili ng mga bagay na kanyang gusto.

Read also

Angeline Quinto, pinakita ang 1st birthday celebration ng anak niyang si Sylvio

Nakapanayam ni Toni Gonzaga si Rose. Doon, inamin ni Rose na dala pa rin niya ang umano'y trauma sa nangyari sa kanila ng dating kasintahan na si Ed. Nasa panibagong relasyon siya at isa muling foreigner at aminado siyang may takot siya sa maaring mangyari sa kanila. Gayunpaman, ang prayoridad pa rin talaga ni Rose ay ang kanyang anak na siyang inspirasyon niya upang magkaroon ng maayos na buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel