Rose Vega, may bago nang BF; aminadong takot pa rin dahil sa nangyari sa 90-Day Fiancé

Rose Vega, may bago nang BF; aminadong takot pa rin dahil sa nangyari sa 90-Day Fiancé

- Nakapanayam ni Toni Gonzaga ang Pinay sa 90-Day Fiancé na si Rose Vega

- Doon, inamin ni Rose na hanggang ngayo'y dala pa rin niya ang umano'y trauma sa nangyari sa kanila ng dating kasintahan na si Ed

- Ngayong nasa panibagong relasyon siya at isa muling foreigner, aminadong may takot siya sa maaring mangyari sa kanila

- Gayunpaman, ang prayoridad pa rin talaga ni Rose ay ang kanyang anak na siyang inspirasyon niya upang magkaroon ng maayos na buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Toni Talks, nakapanayam ni Toni Gonzaga ang Pinay sa 90-Day Fiancé na si Rose Vega.

Rose Vega ng 90-Day Fiancé, aminadong may takot pa rin sa bagong karelasyong foreigner
Rose Vega kasama ang bago niyang boyrfriend na si Greg (Rose Vega YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na idinetalye ni Rose ang naging karanasan niya sa dating partner na si Ed sa naturang reality show.

Aniya, ang bawat napanood sa 90-Day Fiancé ay totoo at talagang tumagos sa kanyang damdamin.

Read also

Cristy, nakausap si Alden ukol sa 'kasal at anak' isyu ng Aldub; "wala pong katotohanan"

Dahil dito, aminado si Rose na tila na-trauma siya sa mga naganap noon. Naluluha niyang inamin na sa bagong karelasyon niya ngayong foreigner, nakararamdam pa rin siya ng takot sa maaring mangyari.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ako po kasi laging nag-iisip na mauulit yung dati. Kasi 'yung trauma sa'kin, 'yung parang mauulit 'yung dati. Parang hindi pa rin okay. 'Yung pakiramdam na okay ka na, pero yung takot mo na mauulit 'yung umpisa. Baka iniisip ko masasaktan pa rin ako," emosyonal na inamin ni Rose.

Gayunpaman, ang nasabi ni Rose na tanging mahalaga sa kanya ay ang kanyang anak na nais din niya talagang maiparamdam na mayroon itong matatawag na ama.

"Mahirap ibigay bilang isang single mom ang maging ama't ina sa anak, parang binubuo mo lahat para sa kanya"

Sa ngayon, walang iniisip si Rose kundi ang kapakanan ng anak at maibigay ang lahat ng pangarap niya para rito.

Read also

RR, naikwentong minsan na siyang na-expel sa paaralan; "May sinagot-sagot akong teacher"

"Lagi ko pong sinasabi sa kanya si Mommy laging nandito para sa'yo. Gagawin ni Mommy lahat para sa'yo kahit ako lang mag-isa, kahit 'di ko naman kailangan ng iba," ani Rose.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Toni mula sa YouTube Channel nitong Toni Gonzaga Studio:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Sa kanyang YouTube channel na Toni Gonzaga Studio, nakapanayam na niya ang mga kilalang personalidad sa bansa mapa-showbiz man o pulitika o maging ordinaryong tao na nagbigay inspirasyon sa atin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel