Angeline Quinto, pinakita ang 1st birthday celebration ng anak niyang si Sylvio

Angeline Quinto, pinakita ang 1st birthday celebration ng anak niyang si Sylvio

- Binahagi ni Angeline Quinto ang video ng 1st birthday celebration para sa anak niyang si Sylvio

- Pinasilip ni Angeline ang naging paghahanda bago magsimula ang kanilang party na ginanap sa isang barn

- Bukod sa kanyang pagkanta sa naturang party ay mayroon ding magician para matuwa at maaliw ang mga batang bisita nila

- Ani Angeline, napakabilis ng panahon dahil parang kailan lang nang pinanganak niya si Sylvio

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Angeline Quinto ang ilang kaganapan sa 1st birthday ng anak niyang si Sylvio. Sa kanyang bagong vlog ay binahagi ni Angeline ang naging paghahanda bago ang birthday celebration ng anak.

Angeline Quinto, pinakita ang 1st birthday celebration ng anak niyang si Sylvio
Angeline Quinto, pinakita ang 1st birthday celebration ng anak niyang si Sylvio (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Ginanap ang birthday celebration ni Sylvio noong April 27 sa Oldgrove farmstead sa Lipa, Batangas. Bukod sa kanyang pagkanta sa naturang party ay mayroon ding magician para matuwa at maaliw ang mga batang bisita nila.

Read also

Ryan Bang, naiyak nang ibahagi kay Vice Ganda na may girlfriend na siya

Nagpasalamat si Angeline sa lahat ng tumulong na maging maayos ang birthday party para sa kanyang anak.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Sa isang vlog ay inamin ni Angeline na siya ang unang nagsabi ng "I love you" sa kanyang boyfriend na si Nonrev Daquina. Ito ay kanyang naibahagi sa YouTube video ni Luis Manzano kung saan nakapanayam niya sina Angeline at Nonrev sa kanyang segment na Luis Listens. Ito umano ang kauna-unahang panayam na pinaunlakan nilang magkasama lalo at mahiyain umano si Nonrev. Nakwento din ng dalawa ang kanilang problemang pinagdaanan kabilang na ang pagtutol ng manager ni Angeline sa relasyon nila.

Naibahagi ni Angeline ang video ng kanyang pagprank kay dating Manila Mayor Isko Moreno nang i-guest siya nito sa kanyang online show. Nagkunwari si Angeline na masama ang kanyang pakiramdam at sinimulan niyang ipaalam sa staff ni Yorme na masama ang kanyang pakiramdam. Sa kalagitnaan ng show ay nagkunwari si Angeline na hinimatay siya habang naglalakad na ayon kay Yorme ay talagang ikinataranta niya. Agad umanong pinapatay ni Yorme ang mga cellphone nang makitang natumba si Angge para daw maprotektahan ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel