Karylle, pinaalalahanan si Vice Ganda na huwag ma-late sa Lunes

Karylle, pinaalalahanan si Vice Ganda na huwag ma-late sa Lunes

- Pinaalalahanan ni Karylle ang co-host niyang si Vice Ganda na huwag ma-late ngayong Lunes

- Pinaalala niyang alas-12 na mag-uumpisa ang kanilang show na "It's Showtime" ngayong Lunes

- Matapos nga umere ang huling episode ng "Tropang Lol" ay nausog sa 12:00 noon timeslot ang "It's Showtime"

- Matatandaang matagal na hindi napanood si Vice sa "It's Showtime" matapos niyang pumunta sa Canada para sa kanyang concert

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinaalala ni Karylle kay Vice Ganda na 12:00 ng tanghali na sila ngayong Lunes kaya dapat ay huwag itong ma-late. Matapos nga umere ang huling episode ng Tropang Lol nitong Sabado ay nausog sa 12:00 noon timeslot ang It's Showtime.

Karylle, pinaalalahanan si Vice Ganda na huwag ma-late sa Lunes
Karylle, pinaalalahanan si Vice Ganda na huwag ma-late sa Lunes (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram
Saka huwag kang ma-late sa Monday ha? 12:00 o'clock na tayo. 12.

Matatandaang naging magkasunod ang timeslot ng Tropang Lol at It's Showtime. ang dating timeslot nila ay nag-uumpisa ng 12:30 hanggang 3:00 ng hapon.

Read also

Rose Vega, pinakita ang kanyang first trip papuntang Australia

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel