Nursing student na agad na tumulong sa vendor na nagilitan, pararangalan

Nursing student na agad na tumulong sa vendor na nagilitan, pararangalan

- Matapos na mag-viral ang video at larawan ng nurse na tumulong sa vendor na nagilitan, siya ay mapaparangalan

- Matapos na siya ay makilala, bibigyang pugay siya ng kanilang LGU

- Makatatanggap din siya ng scholarship mula sa kanilang paaralan

- Kasalukuyang nasa ICU pa rin ang vendor na natulungan ng nurse

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinilala at mapaparangalan si Angyl Fyth Ababat, ang nursing student sa Cebu city na agad na tumulong sa tindera ng mangga na nagilitan ng leeg sa gilid ng kalsada.

Nursing student na agad na tumulong sa vendor na nagilitan, pararangalan
Nursing student na si Angyl Faith Ababat nang bigyang gantimpala siya ng iFM 93.9 Cebu (Fayth Ababat)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nakunan umano ng CCTV ang pangyayari kung saan ang isang lalake ang bigla na lamang lumapit sa tindera ng mangga habang nag-aayos ito ng paninda.

'Di nagtagal, biglang ginilitan ng leeg ng lalake ang tindera. Nakatayo pa ang biktima habang ang suspek naman ay nagawa pang makatakas.

Read also

Ivana Alawi, game na game sa Php1000 challenge nila sa Divisoria

Si Angyl na malapit lamang sa tindera ay agad na lumapit para lapatan ng t-shirt ang gilit sa leeg nito bilang paunang lunas.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi iniwan ni Angyl tindera hanggang sa madala na ito sa ospital. Kasalukuyang nasa ICU pa rin ang vendor at nagpapagaling.

Nakunan ng video ni Rose Dianne Rensulat ang paglapat ng paunang lunas ni Angyl sa tindera.

Nahuli naman ang suspek na pawang selos ang motibo ng paggilit sa kinakasama.

Samantala, dahil sa kabayanihan ni Angyl at isa pa ring nursing student, nabibigyang parangal sila ng kanilang local government unit.

Maging ang pinapasukan nilang paaralan ay bibigyan sila ng scholarship bilang pagkilala sa kabayanihang kanilang nagawa na patunay lamang na isinasabuhay na nila ang kanilang natutunan sa paaralan.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Angyl mula sa Frontline Pilipinas ng News 5:

Read also

Whamos at Antonette Gail, pinag-ipunan ang insurance ng kanilang anak

Matatandaang hindi nalalayo ang nagawa ni Angyl sa kabayanihan din ni Mary Lorraine, ang nurse na hindi nagdalawang isip na huminto at tumulong sa ginang na inabot na ng panganganak sa kalsada dahil sa wala raw umano itong tirahan.

Papasok noon si Lorraine nang makita niya ang kalagayan ng ginang at hindi niya ito iniwan hanggang sa makapanganak at hanggang sa makarating ang rescue team na siyang magdadala sa mag-ina sa ospital.

Naikwento niyang late na raw talaga siya noon sa trabaho na tila itinadhana itong mangyari upang matulungan ang mag-inang hindi nadala agad sa opital.Laking pasalamat din niya na maayos ang kinalabasan ng kanyang pagpapaanak sa ginang lalong-lalo na ang kalagayan ng sanggol.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica