Ivana Alawi, game na game sa Php1000 challenge nila sa Divisoria

Ivana Alawi, game na game sa Php1000 challenge nila sa Divisoria

- Game na game si Ivana Alawi na dumayo ng Divisoria para sa kanilang Php 1000 challenge

- Kasama niya ang kanyang Mama Alawi at ang kapatid na si Hash

- Gayundin ang ilan niyang kaibigan na naisipang maki-bonding din sa kanya sa Divisoria

- Kitang-kita ang dami ng tao na natutuwang makita si Ivana sa Divisoria

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa bagong vlog ni Ivana Alawi, kumasa ito sa Php1000 challenge kasama ng kanyang Mama Alawi at kapatid na si Hash.

Ivana Alawi, game na game sa Php1000 challenge nila sa Divisoria
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na hindi naiwasang dumugin siya ng tao sa Divisoria na masayang makita si Ivana.

"Kung hindi niyo alam, mall show ang pinunta namin dito," pagbibiro pa ni Ivana nang magsimula nang dumami ang tao bago pa man sila makapasok sa mall.

Read also

Cristy Fermin, sinabing maraming nabahala umano sa pamamasyal ni Kris Aquino sa Disneyland

Gayunpaman, nakapamili ito ng ilang gamit gamit lamang ang Php1000. Subalit hindi patinag sa kanila si Mama Alawi na sanay na sanay sa pamimili roon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod sa kanyang ina at kapatid, naka-bonding din ni Ivana ang ilan sa kanyang mga kaibigan.

Na-enjoy din nila ang pansumandaling mag-commute at kumain ng street food tulad ng mangga.

At kahit saa'y umiiral pa rin ang pagiging mapagbigay at matulungin ni Ivana na nag-abot ng Php1000 sa tindero ng mangga.

Narito ang kabuuan ng kanyang masayang Divisoria experience:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.2 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Dina Bonnevie, nilinaw na okay sila ni Alex Gonzaga at wala siyang galit

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Naging kontrobersyal kamakailan si Ivana dahil sa umano'y hindi gaano nitong pag-promote sa kanilang naging pelikula ni Vice Ganda, ang 'Partners in crime' na naging entry nila sa Metro Manila Film Festival noong Disyembre 2022. Napansin umano ito lalong-lalo na ng mga fans ni Vice Ganda.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel