Cristy Fermin, sinabing maraming nabahala umano sa pamamasyal ni Kris Aquino sa Disneyland

Cristy Fermin, sinabing maraming nabahala umano sa pamamasyal ni Kris Aquino sa Disneyland

- Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! natalakay nina Cristy Fermin ang pamamasyal umano ni Kris Aquino sa Disneyland

- Nakarating umano sa kanila na maraming nabahala kay Kris para sa kalusugan nito

- Naibahagi raw kasi ang naturang post ng kanilang pamamasyal kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby

- Matatandaang mahigit anim na buwan na umanong nasa Amerika si Kris para sa pagpapagamot niya sa hindi pa mawaring karamdaman

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabalitaan umano nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang reaksyon 'di umano ng karamihan nang makitang namamasyal umano si Kris Aquino sa Disneyland.

Cristy Fermin, sinabing maraming nabahala umano sa pamamasyal ni Kris Aquino sa Disneyland
Kris Aquino, Josh and BImby (@krisaquino)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na inalala ng mga nakapanood ng kanyang maiksing video ang kanyang kalusugan lalo na at nasa kasagsagan pa rin siya 'di umano ng gamutan.

Read also

Ivana Alawi, game na game sa Php1000 challenge nila sa Divisoria

"Kasi po ang pinansin ng ating mga kababayan ay namasyal siya sa isang place na napakaraming tao. Alam naman natin, banyaga ang lokal ng Amerika, doon talaga nagkikita-kita ang nagsasama-sama kasi nga happiest place on earth at nakita rin po siyang walang face mask... 'Yun naman ang inintindi nila 'di ba," ani Cristy.

Maaalalang prone na magkasakit pa si Kris nang higit sa kanyang dinaramdam kaya naman hindi maiiwasang mag-alala ang karamihan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"'Di ba kahit saan may reminder na ano, gumamit ng face mask. 'Di pa rin tayo nakakasigurado sa ating kapaligiran. Tapos Disneyland? Nuknukan ng dami ng tao. pintahan ng mga turista. Tapos lumalakad siya, wala siyang face mask," dagdag pa ni Cristy.

"'Yun lang po 'yun. Ang sabi lang ng marami, ng mga hindi nakakaintindi sa kanya, kung minsan tuloy, ang hirap na niyang unawain. Kung minsan humihingi siya ng dasal, totoo naman po kasi. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Nasa atin po ang totoong pag-iingat."

Read also

Dina Bonnevie, itinangging pinagsisigawan noon si Alex Gonzaga

Narito ang kabuuan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel