Whamos, sinorpresa si Antonette Gail ng maraming bag sa kaarawan nito

Whamos, sinorpresa si Antonette Gail ng maraming bag sa kaarawan nito

- Sinorpresa ni Whamos si Antonette sa ika-19 na kaarawan nito sa pamamagitan ng pamimili ng mga bagay na alam niyang magugustuhan ng kanyang kasintahan

- Aniya, mahilig sa bag si Antonette kaya mga bag ang kanyang binili para dito

- Masaya naman si Antonette sa natanggap na regalo at kahit kapapanganak pa lang niya ay hindi siya nakalimutang sorpresahin ni Whamos

- Sa kanyang post, sinabi ni Antonette na hiling niya ang mas maraming blessing at magandang kalusugan para sa kanilang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Niregaluhan ni Whamos Cruz ng maraming bag si Antonette Gail sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-19 na kaarawan. Sa kanyang post, sinabi ni Antonette na hiling niya ang mas maraming blessing at magandang kalusugan para sa kanilang pamilya.

Whamos, sinorpresa si Antonette Gail ng maraming bag sa kaarawan nito
Whamos, sinorpresa si Antonette Gail ng maraming bag sa kaarawan nito (@facebook.com/antonettegailofficialpage)
Source: Facebook

Para naman kay Whamos, alam niyang mahilig sa bag si Antonette kaya mga bag ang kanyang pinamili at isang sandals na nagustuhan din ni Antonette. Masaya naman si Antonette sa natanggap na regalo at kahit kapapanganak pa lang niya ay hindi siya nakalimutang sorpresahin ni Whamos.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel