Whamos Cruz kay Merck: "Kailangan ko ba yung opinyon mo?"

Whamos Cruz kay Merck: "Kailangan ko ba yung opinyon mo?"

- Hindi napigilan ni Whamos Cruz na maglabas ng saloobin niya matapos ang nilabas ni Christian Merck Grey na video kaugnay sa birthday party ng anak niya

- Isa-isa niyang sinagot ang mga naging pahayag ni Merck kaugnay sa aniya'y napansin niya sa party

- Nilinaw ni Whamos na kaya gabi sila nagparty ay dahil bukod sa hindi available ang venue, iyon daw ang gusto nilang oras

- Sinagot niya rin ang sinabi ni Merck na ginawa nilang talent show nila ang party ng anak nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa-isang sinagot ni Whamos Cruz ang mga naging pahayag ni Christian Merck Gray kaugnay sa ginanap na birthday party ng anak nilang si Meteor. Giit ni Whamos, hindi naman na daw kinailangang ilabas pa sa social media ang opinyon ni Merck dahil pwede naman daw siyang i-message.

Read also

Whamos: "Sabit ka nga lang sa asawa mo ikaw pa magaling mag comment"

Whamos Cruz kay Merck: "Kailangan ko ba yung opinyon mo?"
Whamos Cruz kay Merck: "Kailangan ko ba yung opinyon mo?"
Source: Facebook

Kaugnay naman sa sayaw ni Antonette Gail, masaya daw si Whamos dahil doon lang daw niya nakita si Antonette na sumayaw nang ganun.

Ang mahalaga daw ay naipakita nila ang pagpapahalaga nila sa anak sa pamamagitan ng kanilang pagbabahagi ng kanilang talento.

Aniya, taliwas sa pahayag ni Merck ay hindi naman tulog ang anak niya nun dahil gabi na.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Read also

Christian Merck Grey sa party ng anak ni Whamos: "Para namang ginawa niyong birthday niyo"

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel