BTS fans sa Cavite, nakalikom ng mahigit Php100,000 para sa nasalanta ni Paeng

BTS fans sa Cavite, nakalikom ng mahigit Php100,000 para sa nasalanta ni Paeng

- Hinangaan ng marami ang mga BTS fans ng Cavite nang makalikom sila ng malaking halaga para sa isang donation drive

- Marami ang nasalanta ng Bagyong Paeng maging sa Cavite na siyang natulungan ng nasabing Fanbase

- Ayon sa kanila, nais lamang nilang ibahagi ang biyaya at pagmamahal na kanilang natatanggap

- Matatandaang minsan na ring nakapagbigay saya ang BTS army sa mabait na rider na nagdeliver sa kanila ng BTS meal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umantig sa puso ng marami ang kahanga-hangang nagawa ng BTS fans ng Cavite na nakalikom ng mahigit Php100,000 para sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng.

Nalaman ng KAMI na ang grupong ARMY Cavite Fanbase ang punong abala sa donation drive para sa mga naapektuhan ni 'Paeng' sa Noveleta, Cavite.

"In just 3 days, we were able to collect a total of PHP 106,118.08. We would like to express our gratitude to #BTSARMY who helped us spread the word & contributed to our donation drive for the victims of Typhoon Paeng. We are also grateful for the trust given to us by ARMYs; this will really help a lot!"

Read also

Wilbert Tolentino, humingi ng saklolo sa sinapit ng natcos ni Herlene Budol

Kahon-kahon at sako-sakong mga relief goods ang kanilang ni-repack upang mas maayos ang kanilang pamamahagi.

Labis naman itong ipinagpasalamat ang mga taga Noveleta gayung malaking tulong ang donation drive na ito ng mga BTS fans,

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang minsan nang nakapagbigay saya ang mga BTS army ng bansa sa isang delivery rider na nagdeliver ng kanilang BTS meal.

Maraming BTS fans ang natuwa sa viral post ng delivery rider na si Benjamin Baetiong noong Hunyo 18 ng nakaraang taon.

Taliwas sa naging komento ng ibang mga riders patungkol dito, naging positibo naman si Benjamin at sinabing 'umaarangkada' ang kanilang delivery dahil sa BTS meal.

"Lakas ng BTS meal ngaun. Umaarangkada na.. kme mga Foodpanda rider.. masayang dedeliver sa inyo ang bts meal.. kya mga bts fans.. dyn.. gogogogo na order na kyo," ang mismong caption niya sa kanyang viral post.

Read also

Danny Javier, nakasulat at nakapag-record pa ng awitin tungkol sa pagpanaw bago tuluyang mamaalam

Dahil dito, isang miyembro ng BTS Army sa bansa ang nakaisip na handugan ng tulong si Benjamin.

Natuwa ang Twitter user na si @therealkittenwp at isang fan ng nasabing Korean group kaya binuo niya ang proyekto para kay Benjamin.

Sa ibinahaging post ni Felip Chen, makikitang Php7,000 lang sana ang halagang iipunin ng mga fans para kay Benjamin.

Subalit dahil solid ang mga 'Army' na labis na naka-appreciate kay Benjamin, pumalo sa halagang Php45,000 ang kanilang nalikom para sa rider.

Mababakas sa mga ngiti ni Benjamin ang kasiyahan sa 'di inaasahang natanggap dahil lamang sa kanyang simpleng post.

Bukod pa rito, isang branch ng McDonald's ang naghandog naman ng BTS meal para sa pamilya ni Benjamin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica