Wilbert Tolentino, humingi ng saklolo sa sinapit ng natcos ni Herlene Budol

Wilbert Tolentino, humingi ng saklolo sa sinapit ng natcos ni Herlene Budol

- Agad na humingi ng saklolo si Wilbert Tolentino sa sinapit ng national costume ni Herlene Budol para sa Miss Planet International

- Una nang naibahagi ni Herlene na nagkaproblema sa airlines na magdadala nito sa Uganda

- Aniya, pumayag na lamang sina na 'i-chop chop' ang kanyang costume bagay na nagdala ng problema sa kanilang team

- Umaasa silang makatatanggap ng agarang tulong para sa unang international competition na sasalihan ni Herlene

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agad na nag-post at humingi ng saklolo si Wilbert Tolentino patungkol sa umano'y nadisgrasyang national costume ng alaga niyang si Herlene Nicol Budol na pambato ng bansa sa Miss Planet International 2022.

Wilbert Tolentino, humingi ng saklolo sa sinapit ng natcos ni Herlene Budol
Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na una nang inihayag ni Herlene ang labis na pagkadismaya matapos na hindi maayos na madadala ng airlines ang kanyang national costume na kinailangan pa umano itong 'i-chop chop' dahil hindi ito maibibiyahe sa tunay nitong laki.

Dahil dito, isa sa naisip na paraan ni Wilbert ay ang magpost na sa social media upang mas magkaroon ng maraming option sa kung papaano mapapalitan ang kasuotan na ito ni Herlene.

"Guys, we need Plan B for Herlene Hipon Budol National Costume. Na disgrasya ng Ethiopian Airlines. I need help! Today ang biyahe ng Interpreter papunta ng Uganda para masabay na po sana. We badly need it guys so please give us your entry through Comment Section. Thank you!"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Umaasa ang team ni Herlene sa naturang pageant na magagawan ng paraan ang hindi inaasahang pangyayaring ito sa simula pa lamang ng kanyang kauna-unahang sinalihang international beauty pageant.

Si Wilbert Tolentino ay isang kilalang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller at naging Celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Season 10 na si Madam Inutz.

Gayundin si Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Nicole Budol na ngayo'y abala na sa paghahanda para sa Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Uganda.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel