Wilbert Tolentino, naikwento ang dati niyang mga naging trabaho at negosyo

Wilbert Tolentino, naikwento ang dati niyang mga naging trabaho at negosyo

- Naikwento ni Wilbert Tolentino sa kanyang mga ka-freshness ang kanyang naging trabaho at negosyo noon

- Hindi raw aakalain ng iba na pinasok na ang ganoong mga negosyo na naging daan naman upang makamit niya ang kanyang unang bahay at mga ari-arian

- Kaya sa edad niya noon na 29, nakamit na niya ang kanyang unang unang dream house na sinundan na ng kanyang kabi-kabilang mga properties

- Sa ngayon, kilala si Wilbert bilang isang negosyante, vlogger at manager nina Madam Inutz at Herlene Nicole Budol

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kanyang pinakabagong vlog, naikwento ni Wilbert Tolentino ang kanyang 'humble beginnings' na naging daan sa kanyang matagumpay na buhay ngayon.

Wilbert Tolentino, naikwento ang dati niyang mga naging trabaho at negosyo
Wilbert Tolentino (@sirwil75)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa edad na 19, nagsimula nang magtrabaho at magnegosyo si Wilbert.

"Nung bata pa ako, 19 years old. Sinuwerte ako, pinalad ako naging supplier ako ng San Miguel. Isa sa mga nagbigay sa akin ng susi ng tagumpay. Nagsupply ako sa kanila. Anything under the sun kung alam lang ninyo. Si ka-freshness nagsu-supply kahit basahan. Kahit gloves, janitorial services. Naging contractor din ako. Kahit umakyat kami ng bubong..." pagbabahagi ni Wilbert sa kanyang mga Ka-freshness..

Read also

Cristy sa mga nagsasabing 'pambansang paawa' si Andrew Schimmer; "Nakakalungkot"

Mula noon, walang humpay na ang pagnenegosyo ni Wilbert na siyang naging daan upang magkaroon siya ng sarili niyang bahay at mga ari-arian.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Nung makaipon si Ka-freshness, nagkaroon ako ng first na bahay when I was 29. Hanggang ngayon buhay pa naman. minsan itu-tour ko kayo kung ano ang mga naging unang investment ko. Pero nagstart ako ng condo tapos yung isang bahay ko naman nasa Montalban. Mga 15 years na rin sa akin yung Angles ko, sila rin nakatira doon," aniya.

"Dire-diretso ako nun sa karera ko. Invest ako ng invest sa property. Minsan yung ibang investment ko, nilagay ko sa insurance. 'Yung iba naman property," ang pagbibigay inspirasyon ni Wilbert sa kanyang mga subscribers.

Si Wilbert Tolentino ay isang kilalang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Read also

Andrew Schimmer, nag-update sa ika isang taon ng pagkaka-ospital ng misis

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller at naging Celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Season 10 na si Madam Inutz.

Gayundin si Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Nicole Budol na ngayo'y abala na sa paghahanda para sa Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Uganda.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel