Landmark employee na nag-viral sa akusasyong pagnanakaw, dumulog na sa RTIA

Landmark employee na nag-viral sa akusasyong pagnanakaw, dumulog na sa RTIA

- Dumulog na sa Raffy Tulfo in Action ang nag-viral na Landmark Makati employee na umano'y napagbintangan na nagnakaw

- Naglabas ng hinaing sa social media ang empleyadong nagpakilalang si Erika Joy Landicho at nilahad ang naganap sa ikatlong araw pa lamang niya sa trabaho

- Matapos na mag-viral, naglabasan din ang mga nagpakilalang empleyado ng Landmark na pareho umano ang naging karanasan kay Erika.

- Sinubukan ng programa ni Raffy Tulfo na makapanayam ang umano'y dapat na managot sa insidente sa Landmark ngunit tumanggi ang mga ito na magbigay pahayag

- Sinisiguro naman ni Senator Tulfo na aaksyunan ang naturang pangyayari na hindi na pala isang beses na naganap

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dumulog na sa programa ni Senator Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo ang nag-viral na Landmark Makati employee na umano'y naakusahan ng pagnanakaw kamakailan.

Read also

Cristy Fermin sa mga nagtatanong kung nasaan na nga ba si AJ Raval; "Ay walang nakakaalam"

Landmark employee na nag-viral sa akusasyong pagnanakaw, dumulog na sa RTIA
Si Erika Joy Buendicho sa tanggapan ni Raffy Tulfo (Erika Joy Buendicho)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naglabas ng saloobin sa social media ang naging kahera ng Landmark na si Erika Joy Buendicho.

Idinetalye niya roon ang nangyari kung saan sinabi ng kanyang supervisna-short umano siya ng halagang Php4993.71.

Kung ano ang kanyang nai-post, yun na rin mismo ang naisalaysay niya sa programa ni Tulfo dahil iyon umano ang totoong nangyari.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pinilit na lamang umano siya ng head ng security ng nasabing shopping mall na aminin ang pagkawala at pagnanakaw ng nasabing halaga at pinabayaran pa ito sa kanya.

Matapos ito, sinabak na rin siya sa trabaho kung saan makikita sa termination paper niya na 'theft' ang umano'y dahilan ng pagkakatanggal nito.

Kaya naman labis na hindi makatarungan umano ang dinanas na ito ni Erika na nalaman niyang hindi lamang siya ang naging biktima.

Read also

Cristy sa mga nagsasabing 'pambansang paawa' si Andrew Schimmer; "Nakakalungkot"

Matapos kasing mag-viral ang kanyang post, lumitaw ang nasa 20 o mahigit pang mga nagpakilalang naging empleyado ng Landmark.

Sinubukan ng programang Wanted sa Radyo na makapanayam ang Landmark subalit tumanggi silang magbigay pahayag sa ngayon.

Samantala, sisiguraduhin umani ni Senator Tulfo na mapaiimbestigahan ang insidente lalo na kung ito ay maraming beses na umanong nangyari.

Bilang tulong, binigyan din ni Tulfo ng tulong pinansyal si Buendicho na halaga ng ibinayad niya umano sa Landmark at may pasobra pa.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 25 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'. Dahil sa kanyang serbisyo, pinakatiwalaan din siya ng publiko at nahirang bilang senador noong Mayo sa Eleksyon 2022.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica