Leobert Darmariñas, isinalaysay kay Sen. Raffy Tulfo ang umano'y pagtorture sa kanya
- Sa pakikipag-usap ni Leobert Dasmariñas kay Senator Raffy Tulfo, naibahagi nito ang aniya ay ginawa sa kanya nang sumuko siya dahil sa pananaksak niya sa pinsang si Jovert Valdestamon
- Pinuntahan daw siya ng mga tao na hindi niya kilala at tinanong siya kung may abogado na daw ba siya
- Isang pulis umano ang nagsabi sa kanya kung gusto niya ng pera at sinabihan daw siya na makipagtulungan sa kanila
- Kasunod umano nito ay sinaktan na siya ng mga taong naka-sibilyan habang nakaharap ang pulis na kanyang pinangalanan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sinalaysay ni Leobert Dasmariñas sa kanyang pakikipag-usap kay Senator Raffy Tulfo ang umano'y ginawang pangto-torture sa kanya. Kinausap umano siya ng mga lalaking nakasuot ng pangsibilyan na makipagtulungan na lang umano siya sa kanila.
Isang pulis naman ang kanyang pinangalanan na nanakit sa kanya kasama ang iba pang kalalakihan na umano ay hindi naman nakasuot ng uniporme ng pulis.
Pinabulaanan naman ng pulis na si Major Manalo ang mga akusasyon sa kanya ni Leobert.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang 22-anyos na si Jovelyn Galleno ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Gumulantang sa mga tao ang kanyang pagkawala noong August 5, 2022. Ayon sa pahayag ng kanyang pamilya at maging ng kanyang manager, 6:30 p.m. ay nakapag-out na siya sa kanyang trabaho at nakapag-chat pa ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.
Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan. Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.
Nang sumunod na araw ay umamin ang pinsang buo ni Jovelyn kaugnay sa panghahalay sa dalaga. Matatandaang sa kanyang naunang sinabi, lookout lamang umano siya at hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan. Gayunpaman sa isang bagong panayam na inilabas ng Bandera News TV Philippines, nag-iba ito ng pahayag. Aniya, pagkatapos halayin ng pinsan si Jovert Valdestamon ay siya ang sumunod ngunit aniya ay hindi na gumagalaw ang dalaga.
Source: KAMI.com.gh