Mag-asawang Maguad, umalma sa pagpapa-rehab sa sakristan na pumatay sa anak nila
- Naglabas ng kanilang hinanakit ang mag-asawang Maguad matapos nilang mapag-alamang pinasok sa rehabilitation center ang sakristan na isa sa pumatay sa kanilang mga anak
- Binahagi ni Mrs. Maguad ang picture ng bahagi ng mga confession ng mga suspek na aniya ay pinilit niyang tapusin
- Aniya, hindi na nga nila nakuha ang maximum justice para sa anak nila, hindi pa nakulong sa detention facility ang isa sa mga akusado
- Naibahagi din ni Mrs. Maguad, pinagplanuhan din umano silang patayin makuha daw nila ang milyones sa ATM nila
Ikinasama ng loob ng mag-asawang Maguad ang pagkakapasok sa rehabilitation center sa sakristan na isa sa pumatay sa kanilang mga anak. Sa kanyang pagbabasa ng confession ng mga akusado, napag-alaman umano nila na maging silang mag-asaw ay pinagplanuhan din umanong patayin para makuha daw nila ang milyones sa ATM nila.
Binahagi ni Mrs. Maguad ang picture ng bahagi ng mga confession ng mga suspek na aniya ay pinilit niyang tapusin. Aniya, hindi na nga nila nakuha ang maximum justice para sa anak nila, hindi pa nakulong sa detention facility ang isa sa mga akusado.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Aniya, napakalinaw sa batas na ang detention at rehabilitation facility ay mag kaiba. Hindi na nga umano nila nakuha ang maximum justice para sa anak nila, hindi pa nakulong sa detention facility ang isa sa mga akusado.
Ang kaso ng pagpaslang sa magkapatid na Maguad ay lumikha ng malaking ingay lalo at naganap ang pagpaslang sa magkapatid sa mismong bahay nila. Ang lalong naging kahindik-hindik ay nang mapag-alamang mismong ang dalagang kanilang kinupkop at itinuring na kapamilya ang isa sa mga salarin sa pagpaslang.
Samantala, ibinahagi ng ina ng magkapatid ang kanyang hinanakit nang makaharap nila ang mga salarin sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak, wala umano silang magawa. Sa kanilang mga social media account, ay madalas na inihahayag ng mag-asawa ang kanilang saloobin sa gitna ng kanilang pighati at pagnanais na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng dalawang mga anak nitong mga nakaraang buwan.
Matatandaang umamin ang mismong dalaga sa kanyang ginawa ilang araw matapos ang pamamaslang sa magkapatid. Hindi naman maitago ng mag-asawang Maguad ang kanilang paghihinagpis matapos ibaba ang hatol sa dalawang akusado sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak.
Source: KAMI.com.gh