RTIA, bumitiw na sa kaso ng sekyu na binundol ng SUV; SG ayaw na magpatulong

RTIA, bumitiw na sa kaso ng sekyu na binundol ng SUV; SG ayaw na magpatulong

- Inanunsiyo ni Sen. Raffy Tulfo sa kanyang programang Raffy Tulfo in Action ang kanilang pagbitiw sa kaso ng sekyu na binundol ng SUV

- Ito ay matapos umano nilang mapagtanto na tila hindi na interesado na magpatulong sa kanila ang kampo ng SG

- Ayon sa reporter ng RTIA, sinabi umano ng GS na confidential ang kanyang location kaya hindi na nakapunta ang reporter ng RTIA para magbigay ng tulong kahit walang camera

- Sinabi din umano nito na okay na sa kanya kahit ang abogado na lamang ng security agency niya ang hahawak sa kaso sa kabila ng alok ng RTIA na magbibigay sila ng libreng abogado para tumulong sa kaso

Binitawan na ni Sen. Raffy Tulfo ang pagtulong sa kaso ng sekyu na binundol ng SUV sa Mandaluyong. Tumatanggi na umano sa kanilang tulong ang SG kaya napagtanto nilang hindi na interesado na magpatulong sa kanila ang SG.

Read also

Ivana Alawi, pinasundo ang helper gamit ang chopper para isurpresa ng Belo makeover

Photo: Screenshot from video of Miko Angelo Ramos
Photo: Screenshot from video of Miko Angelo Ramos
Source: Facebook

Ayon sa reporter ng RTIA, sinabi umano ng GS na confidential ang kanyang location kaya hindi na nakapunta ang reporter ng RTIA para magbigay ng tulong kahit walang camera.

Ayon kay Sen. Tulfo hindi nila pinagpipilitan kung ayaw na ng tulong ng complainant at madalas umanong nangyayari ang pagbitaw na magpatulong sa kanila.

Nirerespeto umano nila ang desisyon ng mga complainant. Malinaw na umano sa kanila na ayaw nang magpatulong ng complainant kaya bumitaw na sila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Isa-isang pinasalamatan ni Sen. Tulfo ang mga taong tumulong at maging ang complainant at ang kanyang kapatid na lumapit sa programang RTIA.

Matatandaang nag-viral ang video ng isang security guard na binundol ng RAV-4 sa Mandaluyong habang nagmamando ng daloy ng trapiko. Umani ng matinding komento at reaksiyon mula sa publiko ang naturang insidente.

Read also

Babae sa India na tila napagod na sa paghihintay kay "Mr. Right", pinakasalan na lang ang sarili

Kabilang si Senator JV Ejercito sa naghayag ng kanyang pagkondena sa nagmamaneho ng RAV-4 na bumundol at ginulungan ang security guard. Nag-alok siya ng pabuya na P50,000 para sa makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa driver. Binigay niya rin ang ilang detalye ng SUV pati ang plate number nito.

Hindi dumalo sa LTO hearing ang driver ng RAV-4 kaya naglabas ng show-cause order ang LTO na nangangailangan ng kanyang presensiya sa LTO office. Dito ay pinagpapaliwanag ang driver bakit hindi siya dapat sampahan ng administrative case for reckless driving at kung bakit hindi dapat i-revoke ang kanyang lisensiya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate