Ivana Alawi, pinasundo ang helper gamit ang chopper para isurpresa ng Belo makeover

Ivana Alawi, pinasundo ang helper gamit ang chopper para isurpresa ng Belo makeover

- Sinurpresa ni Ivana Alawi ang helper nilang si May ng isang Belo makeover

- Na-prank pa muna niya ito dahilan para ito'y ma-stress at umalis sandali sa kanilang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Ipinasundo pa talaga ito ni Ivana gamit ang chopper para lang isurpresa ng matagal na nitong hinihiling

- Mismong si Dr. Vicki Belo ang humarap sa kanila sa pagpaplano ng gagawing nasal reconstruction o nose job kay May

Umiral na naman ang kabutihan ng puso ni Ivana Alawi na naisipang tuparin ang hiling ng kanilang helper na si May.

Ivana Alawi, pinasundo ang helper gamit ang chopper para isupresa ng Belo makeover
Ivana Alaw (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nabanggit ni May kay Ivana ang insecurity niya sa kanyang ilong na siyang dahilan bakit madalas siyang tuksuhin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Sue Ramirez, inaming fan ni Jodi Sta. Maria; nag-sorry sa aktres sa "batok scene"

Subalit bago isurpresa ni Ivana si May, naisip muna niya itong i-prank.

Hindi niya sinagot ang text nito dahilan para tila ma-paranoid si May at inamin sa kanyang kapatid at PA ni Ivana na si KC.

Nagtungo pa raw ito ng Batangas upang mag-unwind dahil sa nangyari subalit pinasundo pa talaga ito ni Ivana.

Pagbalik, tila kinastigo muna siya ni Ivana saka sinabing ipapa-Belo niya ito.

Noong Disyembre 2021, nausisa ni Ivana si May tungkol sa nais nito gayung puro na lamang sa pamilya at sa anak napupunta ang kinikita nito. Doon nasabi ni May na hiling niyang magpabago ng ilong.

"So dadalhin natin siya sa Belo kasi sila lang 'yung best," ani Ivana na excited na rin na mapasaya ang kanilang helper.

Mismong si Dr. Vicki Belo pa ang humarap sa kanila at nagpaliwanag ng nasal reconstruction na gagawin kay May.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ivana Alawi YouTube channel:

Read also

Jodi Sta. Maria, nilinaw na wala siyang wig sa TBMV; "Buhok ko 'yun!"

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Sa ngayon, isa rin sa pinakaabangan ang pagbabalik telebisyon niya sa teleseryeng 'A Family Affair' kung saan makakasama niya sina Sam Milby at Gerald Anderson.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel