Jodi Sta. Maria, nilinaw na wala siyang wig sa TBMV; "Buhok ko 'yun!"

Jodi Sta. Maria, nilinaw na wala siyang wig sa TBMV; "Buhok ko 'yun!"

- Nilinaw ni Jodi Sta. Maria na hindi siya naka-wig sa The Broken Marriage Vow

- Ito ay matapos siyang matanong kung may naitago ba siyang mga damit at 'wig' mula sa magtatapos nang teleserye

- Paliwanag ni Jodi manipis ang kanyang buhok ngunit hindi siya nag-wiw sa serye

- Napansin din ng marami ang magagandang kasuotan ni Jodi sa serye na pawang mga hiram lamang umano at hindi manlang daw siya naka-arbor ni isa

Maging si Jodi Sta. Maria ay nagulat nang malamang inakala ng mga tao na nagsusuot umano siya ng wig sa 'The Broken Marriage Vow.'

Jodi Sta. Maria, nilinaw na wala siyang wig sa TBMV; "Buhok ko 'yun!"
Jodi Sta. Maria (@jodistamaria)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga naitanong sa kanya ni MJ Felipe nang maganap na presscon ngayong magtatapos na ang serye sa loob ng dalawang linggo.

Nais kasing malaman ng showbiz reporter kung may naitago ba ang aktres na damit at wig mula sa serye.

"Mukha bang wig? Kaloka... Lagot sa'kin yung makeup artist ko," pabirong nasabi ni Jodi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"May extensions lang, kasi kung mapapansin niyo manipis po talaga ang buhok ko, pangit naman kung super flat... Hindi po siya wig," natatawang sinbi ni Jodi.

Pagdating naman sa kanyang mga damit, hiram lamang ang mga ito sa kanilang supplier. Hindi rin naka-arbor manlang ng isang damit si Jodi sa iconic character niya bilang si Dr. Jill Victorino-Ilustre.

Narito ang bahagi ng kanilang presscon mula sa Kapamilya Kingdom:

Si Jodi Sta. Maria ay isa sa mga iconic actresses sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang si "Maya" sa 'Please Be Careful With My Heart.' Siya ay nabiyayaan ng isang anak na lalaki na si Thirdy.

Sa ngayon, pinakaaabangan gabi-gabi ang teleserye niyang 'The Broken Marriage Vow' kasama sina Zanjoe Marudo at Sue Ramirez.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagganap ni Jodi sa episode kung saan kahit walang sinasabing linya ay kitang-kita ang emosyon at husay niya bilang aktres.

At ngayong magtatapos na ang serye sa loob ng dalawang linggo, umani ng papuri ang bawat artistang gumanap sa kanilang proyekto na talaga namang kinakitaan ng husay sa kanilang pagganap. Gayundin ang mga direktor at bumubuo ng buong produksyon sa paglikha ng isang napakagandang obra.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel