Sue Ramirez, inaming fan ni Jodi Sta. Maria; nag-sorry sa aktres sa "batok scene"

Sue Ramirez, inaming fan ni Jodi Sta. Maria; nag-sorry sa aktres sa "batok scene"

- Naikwento ni Sue Ramirez ang pagiging fan niya ni Jodi Sta. Maria mula pa noong siya ay 11-anyos pa lamang

- Ibinahagi pa niya ang pagkakataong nag-bike siya makita lang ang aktres at para ma-picturan ito

- Subalit ngayon, isa na ito sa mga artistang naging katrabaho at napalapit na rin sa kanya

- Doon, nakantsawan pa siya ni Zanjoe Marudo na ngayon pa ay 'binabatukan' na lamang niya ito dahil sa kontrobersyal na eksena nila sa The Broken Marriage Vow

Masayang binalikan ni Sue Ramirez ang pagiging 'fan girl' niya noon sa kapwa aktres na si Jodi Sta. Maria.

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga naikwento niya sa presscon ng patapos na nilang teleserye ang 'The Broken Marriage Vow.'

Aniya, 11-anyos pa lamang siya noon nang mag-bike pa talaga mapuntahan lang ang lugar sa kanilang subdivision kung saan nagti-taping umano si Jodi ng 'Tayong Dalawa.'

"So nag-bike talaga ako mula sa bahay namin hanggang sa set. Medyo malapit lang naman ta's nanood ako ng taping nila. Tapos baby pa si Thirdy 'non, lumapit ako sa kanya," masayang pagbabalik-tanaw ni Sue.

Kwento ni Sue, hindi na siya nagpa-picture kay Jodi dahil masaya na siyang kunan na lamang ito ng larawan.

"'Pag binabalikan ko 'yung ganung moments, ngayon yung relationship namin ni Ate Jodi, grabe sobrang hindi ko talaga ever inimagine 'nong mga panahon na 'yun that I will be working with her on this project. Kaya 'yun yung binabalik-balikan ko palagi tuwing nakakausap ko si Ate Jodi," ani Sue.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

At dahil dito, nakantsawan naman siya ng kapwa niya aktor sa 'The Broken Marriage Vow' na si Zanjoe Marudo.

"Ngayon, binabatukan mo na lang," ani Zanjoe patungkol sa kontrobersyal na eksena nina Sue at Jodi sa matatapos na nilang teleserye.

Nag-sorry naman si Sue kay Jodi na dala lamang umano ng eksena bilang sina "Lexy" at "Dr. Jill."

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanila ng showbiz reporter na si MJ Felipe mula sa Kapmilya Kingdom:

Si Sue Ramirez ay isang Kapamilya aktres sa bansa. Bahagi siya ng teleseryeng pinagbibidahan nila Zanjoe Marudo at Jodi Sta. Maria.

Ginagampanan niya ang role ni Lexy Lucero na siyang other woman ng karakter ni Zanjoe na si David Ilustre sa teleserye nilang 'The Broken Marriage Vow.'

Naging usap-usapan din ang kanyang confrontation scene kasama sina Zanjoe at Jodi pati na rin ang mga gumaganap na magulang niya sa serye na sina Rachel Alejandro at si Art Acuña.

Isa umano ito sa mga pinakaaabangang eksena ng mga tagapanood mula pa noong ipinalabas ang trailer nito noong Enero at ngayo'y magtatapos na sa loob ng dalawang linggo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel